“HINDI po ba talaga kayo sasama sa ’min mama?” malungkot na tanong ni Sirak sa kaniyang ina habang nasa high way na sila. Hindi niya alam kung nasaan na sila ngayon. Basta habang nasa biyahe sila kanina, sinabi ng kaniyang ina na hindi ito sasama sa kanila kung saan man sila pupunta. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Magdalena sa ere ’tsaka kinuha ang kaniyang mga kamay. Masuyo iyong pinisil at ngumiti ito sa kaniya. “Don’t worry about me anak. I will be okay.” “Nag-aalala lang naman po ako na baka kapag nagkita ulit kayo ni papa... sasaktan ka niya ulit.” “Huwag mo ng isipin ’yon. Kasi hindi naman ako babalik sa papa mo hanggat hindi pa naaayos ang lahat. Uuwi na muna ako sa probinsya.” Anito. “And don’t worry about me. Magkikita pa naman tayo soon.” Malungkot siyang ng

