“WHAT?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Uran kay Paulo nang sabihin nito sa kaniya ang natanggap na text message galing kay Sirak. Biglang nagtagis ang kaniyang bagang kasabay niyon ang mariing pagkuyom ng kaniyang mga kamao. Kaya pala nakita nila si Dustin noong isang na galing sa bahay ng mga Torrefiel! “Oh my God!” sambit ni Paulo at napatutop pa sa bibig nito. “What should we do papa Uran?” tanong pa nito. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere ’tsaka nagparoo’t parito ng lakas sa loob ng kaniyang opisina. “Hindi puwedeng mangyari ’yon Pau. Please call her again.” Utos pa niya rito. “Pero, kanina ko pa sinusubukang tawagan ang number na gamit niya. Pero out of coverage na. Hindi na makontak. I’m worried na baka nahuli siya ni Tito Arnaldo.” Anito. “Damn it!” an

