TAHIMIK lamang siyang nakatulala sa kawalan habang nakaupo siya sa ibabaw ng kama. Hanggang ngayon ay ayaw pa ring mag-sink in sa utak niya ang mga naalala niyang nangyari kanina. Bakit ginawa iyon sa kaniya ng kaniyang Kuya Jefrex? Bakit siya nito dinukot at dinala sa lugar na iyon? Mga katanungan sa kaniyang isipan na wala naman siyang makuhang sagot mula sa kaniyang sarili. Naguguluhan pa rin siya. Muli siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Mayamaya ay napalingon siya sa gawi ng pintuan nang bumukas iyon. Isang lalaki ang nakita niyang pumasok doon. May bitbit itong tray at may lamang pagkain. Tinitigan niya ng matalim ang lalaki. “Kumain po muna kayo Ma’am Sirak," anito sa kaniya. “Where is Kuya Jef?” sa halip ay tanong niya rito. Ngunit hindi naman sumagot ang la

