LULAN na ng sasakyan ni Kevin si Uran at papunta na sila sa bahay nila. Tinatawagan niya rin ang kaniyang asawa, pero hindi naman ito sumasagot. Tinatawagan niya rin ang landline sa bahay nila, pero wala ring sumasagot. “Damn it!” mariing pagmumura niya ulit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga siya makapaniwala sa nalaman niya kanina. All these time, wala siyang kamalay-malay na ang kapatid lang pala ng asawa niya ang may pakana ng lahat! All these time, nakasama na niya sa ilang pagkakataon si Jefrex, pero wala siyang kamalay-malay na ito pala ang may balak na patayin siya. God, why? Bigla niya ring naalala ang ilang text messages na natanggap niya dati. Sirak is mine! Damn! That means, matagal ng may lihim na gusto si Jefrex kay Sirak? Well, kunsabagay ay hindi naman totoong m

