MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sirak upang tanggalin ang bigat na nararamdaman ng kaniyang dibdib simula pa kahapon. Bumangon siya at umupo sa kama. Ganoon din naman ang ginawa ni Uran habang magkasalubong pa rin ang mga kilay nitong nakatingin sa nobya. “Why babe?” tanong nito at masuyong hinaplos ang braso niya. Kagat ang pang-ilalim na labi ay nilingon niya si Uran. “Si papa,” aniya. Hay! Nag-iinit na naman ang sulok ng kaniyang mga mata. “What about him?” tanong naman ni Uran kahit naiintindihan naman nito ang ibig sabihin ng dalaga. Kumilos ito at kinabig ang dalaga. “G-gusto niyang...” huminto siya sa pagsasalit. Hindi niya kayang sabihin. Hindi niya kayang sambitin ang mga katagang iyon dahil pakiramdam niya may patalim na pilit ibinabaon sa puso niya sa tuwing

