CHAPTER SIX

1233 Words
"Nagusap na kami ng daddy mo. Payag siyang sa Canada ka na mag-aaral. Everything is ready. Pack your things and you are going to leave tomorrow night. Tama na ang paglalamyerda mo kasama ang Wryle na 'yan." balewalang saad ng lolo ni Reign na nakapagpabigla sa kanya. Napatayo siya ng maisipan ang lahat ng iyon. "Akala ko ho, sa Maynila ako magaaral?" nalilitong tanong niya. Bigla siyang napaisip. Ngayon ang alis ni Wryle at nangako siyang sasamang magsimba ng araw na iyon. Huling araw na nilang magkasama kaya hindi maaaring hindi niya ito makita. Isa pa'y mas lalong mawawalan siya ng pagkakataon kapag sa Canada siya nagaral. Ni hindi niya iyon nasabi kay Wryle. "Sa Canada ka mag-aaral ng kung anong kursong gusto mo. Kung gusto mo, magtayo ka ng maraming photoshop doon. Anywhere exept Philippines. Para malayo ka sa oportunistang Wryle na 'yan," naiinis na saad ng lola niya. Bigla siyang nasaktan sa sinabi ng mga ito. Dama niyang hindi sangayon ang mga ito sa sa mga ginagawa niya pero ang sabihin nito ang ganoong bagay ay labis na ikinasama ng loob niya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng galit. Alam niyang ganoon ang ugali ng mga ito pero hindi niya sukat akalaing maging si Wryle ay iinsultuhin ng mga ito. "Wala naman ho kaming ginagawang masama." Mariin niyang sagot at tumaas-baba ang dibdib niya kakapigil sa sariling damdamin. "Wala pa!" singhal ng lolo niya at galit nitong ibinagsak ang dyaryo sa mesa. "At hindi ko hihintaying gumawa kayo ng masama. Huwag mong paginitin ang ulo ko. Umakyat ka sa taas at magempake bago ko maisipang sipaing palabas ang mag-inang 'yan dito sa rancho!" Napaiyak na siyang tuluyan at masama ang loob na tumakbo pabalik ng silid. Nakaramdam siya ng awa sa sarili at sa magina. Nagmahal lamang siya, bakit pa kailangang mauwi sa ganoon? Muli siyang napaiyak sa palad. Habang lumilipas ang oras ay lalong sumasama ang loob niya. Nang makita niyang hindi na siya makakarating sa oras na usapan nila ni Wryle ay hindi na siya mapakali. Hindi niya matitiis na hindi makapagpaalam ng maayos dito. Dahan-dahan siyang lumabas ng silid at ng makitang wala ng bantay doon ay tinalunton niya ang daan pababa ng matigilan siya ng narinig na usapan ng dalawang matanda. . . . . . . . . . . . . "Nasa Canada na si Roj. We'll see to it na sila ang magkakatuluyan," anang lola niya at napatango ang lolo niya. Biglang-bigla, nakaramdam siya ng paghihimagsik ng kalooban. Bakit ganito ang mga ito? Bakit minamanipula ang buhay niya? Handa naman siyang hawakan ang rancho, ang isantabi muna ang hilig niya pero ang pakialaman ng mga ito ang t***k ng puso niya ay hindi niya matitiis. Hindi niya hahayaang ang mga ito ang humawak doon. Nagimpake siya. Kahit panayang bukal ng luha niya dahil sa sama ng loob ay hindi na niya iyon nagawang punasan. Wala siyang ibang nasa isip kundi si Wryle. Walang ibang lalaking maaaring magmayari sa kanya kundi ito lang! Sasama siya kay Wryle! Hindi niya gagawin iyon kung pinagkatiwalaan siya ng mga ito. Pumuslit siya palabas ng bahay. Agad siyang nagtungo sa bahay nila Wryle pero wala ito. Mabilis na gumana ang isip niya, gumawa siya ng liham at sinabing maghihintay siya sa terminal. Alam niya ang oras ng alis nito at nanalangin siyang sana'ymaging maayos ang lahat. Kabadong tinakbo niya ang daan palabas ng rancho at siniguro niyang walang nakakita sa kanya. Hindi niya inalintana ang mga galos na natamo sa pagakyat niya sa bakod ng rancho. Agad siyang pumara ng tricycle at nagpahatid sa terminal saka kabadong naghintay na lamang kay Wryle. Marahil, dahil sa dami ng alalahanin at labis na pagod ay nakaidlip siya. Nagising na lamang siya dahil sa marahas na tapik sa balikat niya. Napaupo siya ng tuwid ng bumungad sa kanya ang galit na mukha ni Wryle at ang ina nitong umiiyak sa likuran nitong umaawat rito. "Ano'ng ginagawa mo, ha? Bakit ka nandito!" Napaigtad siya sa pagsinghal nito sa kanya at naluha. Pinilit niyang kinalma ang pusong natatakot sa nakikitang galit sa mukha nito. Wala na ang Wryle na madalas siyang ngitian at titigan. Napuno ng galit at disgusto ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. "W-Wryle..." napaiyak siya ng marahas nitong bawiin ang kamay niya. "Ano itong ginagawa mo? Saan ka pupunta, ha? Sasama ka sa akin? Nasisiraan ka na ba ng ulo?!" sikmat nito sa kanya at marahas na hinawakan ang mga braso niya at hinigit na palapit dito. "Wryle... s-sasama ako sa'yo," aniyang napapahagulgol na lamang. Lalong sumama ang loob niya sa nakikitang pagbalasik ng mukha nito ng umamin siya. Mukhang lalo nitong ikinagalit iyon. "Ayokong pumunta ng Canada. Sasama na lang ako sa'yo. M-may ipon naman ako, maghahanap na lang ako ng trabaho doon..." aniyang luhaan dito. "Putsa..." anito saka dismayadong napailing sa kanya. "Umuwi ka na. Ang dami mong naiisipang kabalbalan!" singhal nito sa kanya at marahas siyang binitawan. "Bumalik ka sa rancho dahil oras na hindi ka umuwi, kakasuhan nila ako. Naiintindihan mo ba itong pinapasok mo?" galit nitong saad sa kanya. "Pati buhay ko, sisirain mo!" singhal nito sa kanya. Labis siyang napahiya sa sinabi nito at wala siyang ibang magawa kundi mapaiyak sa palad. Ang masakit pa ay ganoon na lang siya nito tinaboy. Bagaman hindi pa pormal ang lahat sa kanila'y mayroon pa rin naman silang pinagsamahan at masakit sa kanyang tratuhin nito ng ganito. Na para lang siyang isang basahang bigla na lang nito itinatapon basta! "A-ayokong umuwi... ipakakasal nila ako kay Roj..." lumuluhang pagmamakaawa niya rito. Hinawakan niya ito pero lalo siyang napaiyak ng halos mamula na ang mga mata nito sa galit na nakatitig sa kanya. "Wala akong pakialam kahit kanino ka magpakasal. Kalimutan mo na ako." Nanginginig na saad nito at namasa ang mga mata nito sa galit. "Alam mo, ginagawa ko ang lahat para hindi kami hamakin ng kahit na sinong mas nakatataas sa amin pero putsa..." anito saka marahas na pinunasan ang mga matang lumuluha dahil sa labis na galit at sama ng loob. "Tingnan mo ang nanay ko. Ang tanda na niya para pahiyain ng ganoon ng lolo mo. Lahat ng iyon ay dahil lang nasiraan ako ng ulo sa'yo!" "Anak... tama na..." anang ina nito at niyakap ng mahigpit mula sa likuran si Wryle. Napaiyak na siyang tuluyan at naiintindihan niya kung bakit ito ganoon kagalit. "I'm so sorry..." aniyang patuloy sa pagbukal ang mga luha. "W-wryle—" "Tama na! Umuwi ka na!" galit na saad nito saka siya nilayasan. Bigla siyang naalarma. Doon siya nakaramdam ng matinding takot. Ayaw niya itong mawala ng ganoon na lang kaya niyakap niya ito mula sa likuran. Doon niya napagtanto kung gaano pa kalalim ang pagmamahal niya rito. Na baka hindi kayanin ng puso niyang mawala ito sa kanya. "Bumalik ka na sa inyo! Baka mapahamak pa kami ng nanay ko sa mga kalokohan mo!" galit nitong singhal at pinilit na alisin ang mga kamay niya sa katawan nito. Tuluyan na siyang napahagulgol sa mga palad. Pero sa kabila ng sama ng loob ay nauunawaan niyang nailagay niya ito sa alanganin pero masyadong masakit iyon sa kanya. Harapan nitong sinabing wala na itong pakialam kahit magpakasal siya. Wasak na wasak ang puso niya sa kaalamang hindi ganoon kalalim ang pagmamahal nito sa kanya. Nanghihinang napaupo na lamang siya roon at hindi na niya napansing tuluyang nilisan na ng magina ang Isabela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD