CHAPTER NINE

3553 Words

"Huwag mong kalilimutan 'yung sinabi ko, ha? 'Yung frame ng wedding picture namin, gold." Tumango na lamang si Reign sa bilin ni Mrs. Irebaria. Inayos na niya ang mga gamit sa loob ng bag. Saglit siyang nag-CR at gusto niyang mapangiwi sa itsura. Halos wala pa siyang tulog kaya mukhang panda bear na siya dahil nangingitim na ang paligid ng mata niya. Kagabi pa siya nandoon dahil nagkaroon pa ng pasayawan ang mga ito. Uso kasi iyon sa probinsya at kasama iyon sa package. Hindi na niya nakuhang umuwi dahil malayo iyon mula sa Poro Point na tinutuluyan niya. Dulong bahagi na iyon ng La Union. Lalo siyang napangiwi ng makita ang cellphone niya. Mayroong twelve missed calls mula sa hindi niya kilalang numero at limang missed calls din mula kay Mumay. Mayroon din siyang mensahe buhat kay Roj.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD