Kikay's point of view Nang umuwi na ang mga magulang at si Koko at tinanong ko sa kanila kung ano ang gusto nilang bilhin namin ni Kiko kung may pera kami. "Ate, kung sakto lang ang pera mo. Pwedeng pabili ng boxer ko? pero kung marami. Dagdagan mo na rin ng shoes, damit at bag Ate." Sagot ni Koko. "Gusto mo ba ng motor bike para hindi ka na maglalakad na pumunta sa school?" "Kung laruan Ate huwag nalang, ibigay mo nalang kay Kulit palitan mo ng manika niya." "Kiko, hindi nalang kaya tayo bumili ng tricycle dahil lilipat naman na tayo doon kina Harry. Malapit lang ang palengke hindi na natin kilangan. Motor bike nalang ang bilhin natin para kay Koko." Halos matawa ako kay Koko sa itsura niya kinapa pa niya ang aking noo. "Nilalagnat ka ba Ate?" Tanong niya at umiling akong ngumiti.

