Kiko and Kikay's happy ending Naglabas kami ng pera ni Kikay, pero hindi pa namin sinabi sa kanyang mga magulang ang totoo. Binayaran namin ang dating bahay ni Ate Sandra. Nagbigay ako ng palihim sa mga kaibigan ko sa palengke. Pagkatapos ay may kinausap kami na contractor para maayos ang bahay na nabili namin. Kinausap ko si Harry na bigyan ko siya ng pera, dala ko ang pera na sampung million na nakalagay sa bag pero hindi niya tinanggap. "Harry naman malaking pera ito para hindi ka magkargador sa palengke." "No, Kiko. Okay lang ako." "Pero bakit?" "Huwag ka ngang makulit." Inis na sambit kaya tumahimik na ako. Nabigyan ko na kasi sina Joe tas si Harry nalang ang hindi pa. "Kung ayaw mong tanggapin eh di kasama ka na lang namin sa pinalaki naming negosyo ni Kuya Mateo. Geh na para

