Dark's point of view Sa inis ko kay Light ay binato ko siya ng unan. "Bakit ka nandito, hindi ka manlang kumatok!" Inis na bulyaw ko sa kanya. "Dati naman na hindi ako kumakatok ah, tas alam mo na man na kada umaga ay pinupuntahan kita para masigurado na okay ka." Sagot niya na ibinato din sa akin ang unan. "Alam mong nandito si Emerald." "Emerald hindi ba okay lang na pumasok ako?" "Okay lang kuya." Sagot naman ni Emerald mabuti nalang pala at hindi ito hubad natulog kung hindi ay bubulagin ko ang kambal ko na ito. "Bakit ang aga-aga nandito ka, tsaka mo lang naman ako pinapasok kung late na hindi pa ako bumangon." "Inutusan lang ako ni Daddy, hindi ka ba sasama sa amin?" "Nope, next time nalang." Sagot ko, tinutulungan namin si Daddy na mahanap ang aming kapatid na bunso. Gay

