Emerald's point of view Miss na miss ko man si Kuya Dark pero kailangan kong magtiis. "Ano na naman ang iniisip mo?" Tanong ni Kuya Ton na tumabi sa akin sa sala. Sina Mommy at Daddy ay sinamahan si Kuya Harry sa Hospital dahil laging sumasakit ang kanyang ulo. "Na mi miss ko na si Kuya Dark Kuya, ilang buwan na akong hindi natulog sa kanila." "Alalahanin mo princess huwag mong ibaba ang iyong sarili sa isang lalaki." "Kuya, alam mo naman na mahal na mahal ko si Kuya Dark." "Nandoon na tayo, let him miss you. Tignan mo kanina dumalaw pa sa building ninyo kahit na ang layo ng department niya na graduating student. Magpaligaw ka sa iba at huwag mo muna siyang pasinin. "Paano ako magpapaligaw Kuya kung lagi kayo sa tabi ko ni Kuya Tan?" Napangiti si Kuya " Kung mahal ka talaga ng

