Angela's point of view Nakakahilo ang dami ng tao dito sa palasyo, tama ang sinabi ni Ate Belen. Lahat ay kasali bata man o matanda basta babae. Sa unang araw ay nanuod ako pero saglit lang dahil patapos na pala ng bumaba ako. Lumipas ng mga araw at wala pang napili ang prinsipe. Marami pang mga taga silbi sa palasyo ang hindi pa pumila kaya mas lalong excited ang mga ito. Dumating ang araw na sasalang na din ako. "Angela, sa kwarto ko na muna matutulog si Harry." Sabi ng queen. Tinanong ko ang aking anak at hindi na ako nagulat pa ng mabilis na pumayag ito dahil lahat ng gusto niya ay nasusunod. Marami akong bilin sa akin anak bago ako bumalik sa kwarto naming mag-ina. Ayoko kasi na masanay siya na kung mag sungit o magtampo ay nakukuha na niya ang kanyang gusto. Bumalik na ako sa kw

