Harry's point of view Natatawa ako sa mga itsura nina Tort at Fred ng pinagtabi ko ang kanilang mga kasintahan. Medyo pinatagal ko ang pagtitig sa kanilang mga kasintahan at parang gusto na nila akong i assassinate sa mga tingin nila kaya iniwan ko na ang dalawa. Hanggng sa natapos ang kanilang linya at medyo pagod at gutom na rin ako. Mabilis lang akong nakinig ang mga sumunod hanggang sa napunta ako sa babae na kakaiba sa kanilang lahat. Wala ito sa ayos lalo na ang kanyang buhok na parang nakipagsabunutan. Ramdam ko na napilitan lang siyang makilinya hanggang sa nagsalita siya at nang sinabi niyang Angela ang kanyang pangalan ay agad kong pinatingala siya. Halos malaglag ang puso ko dahil kahit anong gawin niya ay makikilala ko pa din ang maganda niyang mukha. I kissed her immediatel

