Chapter 6

1604 Words
Angela's point of view Napangiti akong pumunta sa kwarto ni Harry, sobrang saya ko dahil kinuha pa niya ako talaga sa bahay para patulugin lang ulit sa kanyang kama. Hinubad ko ang Jacket na suot ko at humilata na sa kanyang kama. Ipinikit ko na ang aking mga mata at nakatulog ulit. Paggising ko ay maingay na sa labas, parang ayokong nang umalis sa kwarto ni Harry dahil kahit fan lang ay masarap matulog sa kanyang kama. Pero bumangon na ako para tumulong sa karinderya, nakigamit na ako ng sipilyo ni Harry at inayos ko lang ang aking buhok. Pagkatapos ay umalis na ako sa kanyang bahay, sa karinderya nalang ako kakain ng agahan. Habang naglalakad ako ay narinig kong may pimipito sa akin, hindi ko na sila nilingon dahil alam kong ang mga tambay sa kalye na naman. Binilisan ko nalang aking paglalakad dahil malapit na ng tanghalian. Pagdating ko ay marami nang tao, agad akong umupos sa cashier at habang naghihintay ako ng magbabayad ay kumuha ako ng sandwich. "Ate si Tita?" Tanong ko sa isang tumutulong sa karinderya. "May binili saglit, babalik din. Mabuti at dumating ka dahil puno na naman ang karinderya. Kailangan na talaga ng tita mo ng kumuha ng kasama pa natin dito." Tama si Ate sa kanyang sinabi lalo na kung tanghali, parang may mg kumakain nang hindi naka pagbabayad. "Miss Angela pwedeng ikaw ang mag serve dito sa amin?" Tanong suki ni Tita. "Pasensiya na kuya, hindi ko pwedeng iwanan ang upuan ko dito." Agad na sagot ko at si Ate na ang lumapit sa kanila. Napahinga ako ng malalim at patay malisya nalang ako sa titig nila. Ilang saglit lang ay dumating si Harry kay mabilis ko siyang nilapitan. Na kalimutan ko na ang sinabi ko kina Kuya kaya alam kong nagalit sila. Mas dumagsa ang mga papasok kaya naging abala na ako at hindi ko na nakita pa si Harry na umalis. Hanggang sa dumating si Tita na may dalang mga damit. "Ano yan Tita?" Agad na tanong ko nang inilagay niya sa aking paanan mg plastic na may damit. "Bumili ako ng mga damit natin, may mga bagong bukas na ukay-ukay kaya natagalan ako. Siguradong marami ang babagay saiyo." Excited na sabi ni Tita. "Tita ang dami ko nang damit at hindi ko na naisusuot ang iba." Natatawaang Sabi ko. "Hayaan mo na ang mga iyon, ang mga ito ang isusuot mo." Sabi niya na kumuha ng isa. Maganda nga ang mga tela ng mga damit napili niya. Lalo na ngayon na sobrang init ng panahon. "Siya nga pala Tita, wala ka bang balak na kumuha ng isa pang tutulong sa karinderya?" "Mayroon pero dapat part time lang, malulugi naman ako kung buong isang araw ko siyang swelduhan kung kailangan ko lang siya ng pananghalian. Alam mo naman na mura ang paninda natin, mas maganda na ang nauubos lahat kaysa nasisira at inuuulit na iluluto." "Gusto ba ninyong sabihin ko kay Harry Tita, kasi tapos na siya sa trabaho niya sa oras na iyon. Kanina kumain siya dito." "O sige, sabihin mo. 200 ang kaya kong ibigay kahit tumulong lang siya sa pananghalian. Sabado at linggo ko lang siya kailangan. Nag-aaral ba iyon?" "Opo Tita pero sa ibang school." "Ibang school? Paano kayo nagkakilala?" Sinabi ko kay tita kung paano ko nakilala si Harry at tawang-tawa siyang malaman na crush ko si Harry. "Tita, huwag ninyong sasabihin kay Tito baka pagalitan na naman ako." "Oo, huwag kang mag-alala. Naku dalaga na talaga ang anak namin ng kaibigan ko." Masayang Sabi ni Tita. "Pwedeng umuwi na ako tita, para sabihin ko kay Harry yung sinabi ninyo." "O sige, ako na ang bahala dito. Hapon naman na. Magdala ka ng pagkain para hapunan ni Harry." "Talaga Tita?" "Oo, bet ko ang bata na iyon. Lalo nang nakita kong hindi ka pinansin." Sabi niya na tawang-tawa pa kaya napasimangot ako. Kumuha ako plastic at nilagyan ko ng mga ulam. Mukhang paborito niya ang mga gulay kaya mas dinamihan ko ang pagkuha. "Sige Tita, aalis na ako." Paalam ko. "Sige magkita nalang tayo sa bahay." sagot naman ni Tita at umalis na ako. Masaya akong nag lalakad ng hinarang ako ng dalawang Kuya na kanina sa karinderya. "Ineng, uuwi ka na?" "Opo." Magalang na sagot ko na may halong kaba. "Ihatid ka na namin." "Hindi na po, malapit lang naman dito ang bahay namin." Kinakabahan na sagot ko dahil nakakatakot ang titig nila. Nilampasan ko na sila ng naramdaman ko mula sa aking likuran na sinusundan nila ako. Agad akong tumabi kay Ate na nag titinda ng gulay. "O Angela, bibili ka ba?" "Ate, natatakot ako sa kanila." Pagsusumbong ko. "Bakit anong maroon?" "Gusto nila akong ihatid sa bahay sinabi ko na huwag na pero sinusundan ako." Sabi ko na nakalapit na ang dalawa. "Kuya Mateo, si Angela may sasabihin daw!" Sabi ni Ate at mabilis na lumapit si Kuya Mateo. "Kuya, yang dalawa na yan. Sinusundan si Angela." "Hindi namin siya sinusundan. Ihahatid lang namin siya." Sabat ng lalaki. "Tara na Angela.",Sabi ni Kuya kaya mabilis akong lumapit sa kanya. Malaki ang katawan ni Kuya Mateo dahil nag kakardador din ito noon pero lumago ang gulayan nila kaya siya na ang amo nina Harry. "Mag-ingat ka lagi Angela. Mukhang dayo ang mga iyon dito at kursunada ka." "Opo." Natatakot na sagot ko "Kumusta na ang tita at yung bugok niyang boyfriend?" "Ayon po Bugok parin." Sagot ko at natawa na siya. "Kuya, bakit kasi kayo nag hiwalay ni Tita? Di sana ikaw ang tito ko." "Seloso kasi ang Tita mo, akala niya may iba akong babae ayon. Hiniwalayan ako." "Mahal mo pa ba ang Tita ko, kuya?" "Oo naman, pers lab neber dead." Sagot niya at napa halakhak na ako ng malakas. Nang malapit na kami sa bahay ay nagpa-alam na si Kuya Mateo. Nagpasalamat ako bago siya umalis. Hindi ako sa bahay namin pumasok kundi kumatok ako sa pintuan ni Harry. Ilang beses akong kumatok, kung hindi ko na siya tinawag ay hindi na niya ako pagbubuksan. Nang makita kong nagbukas ang pintuan ng bahay namin ay mabilis akong pumasok sa loob ng bahay ni Harry na mukhang kagigising lang. Pagpasok ko ay mabilis kong isinarado ang ang pinto. "Bakit ka nandito?" Seryosong tanong niya. "May ulam akong pinabibigay ni Tita." Sabay inilagay ko ang mga plastic sa mesa. "Salamat, pero bakit niya ako binigyan ng ulam?" "Huwag ka nang magtanong, magpasalamat ka nalang. Siya nga pala gusto mo bang tumulong sa karinderya kahit tanghali lang daw libre lunch at merienda plus 200 pesos. Sabado at linggo." Mabilis na sabi ko. "Sige." Sagot niya at napangiti ako. "Pwedeng dito na muna ako, wala pa kasi si Tita sa bahay." "May magagawa pa ba ako, nandito ka na sa loob." Sabi niya na iniwan ako sa sala at pumasok sa kanyang kwarto. Mabilis ko naman siyang sinundan kaya hindi niya naisarado ang pintuan. "What?" Tanong niya na nag English na naman. "Gusto ko din magpahinga." "Not on my Bed, amoy pawis ka." Sagot niya at napa amoy ako sa aking sarili. Pawisan nga ako at mas lalong pinagpawisan dahil sa nerbiyos ko kanina. "Eh di Makiligo ako." Sagot ko na pumasok sa kanyang maliit na banyo. Agad kong tinanggal ang lahat ng aking damit at mabilis na naligo. Nang tapos na ako ay hiniram ko na muna ang tuwalya ni Harry at lumabas akong nakatapis lang ako. Hindi siya maka tingin sa akin. "Harry pahiram muna ng damit mo." "Next time, huwag kang basta lalabas na ganyan ang itsura mo." "Opo." Sagot ko nalang at inabutan niya ako ng malaking t-shir at short. "Harry pahiram din ng brief mo." "Luma ang mga boxer ko." "Okay lang." Sagot ko at kumuha siya. Luma nga ang boxer niya pero malinis naman. Mas inuuna niya siguro ang mga kagamitan sa bahay kaysa damit niya na bilhin at pag ipunan. Ang t-shirt na muna niya ang una kong isinuot pagkatapos ay ang kayang boxer. Hindi ko na isinuot pa ang kanyang short dahil hanggang tuhod ko na ang t-shirt na ininigay niya. Naka on ang fan kaya lumapit ako habang nagsusuklay, siya naman ay pumunta sa banyo at naalala ko ang aking damit na pinaghubaran ko. "Harry, ako na ang magliligpit sa maruming damit ko." Sigaw ko dahil isinarado na niya ang pintuan ng banyo pagpasok niya. Hindi niya ako sinagot at nang tapos ko nang sinuklay ang buhok ko ay humiga na ako sa kama niya. Ang sarap talagang humiga sa kama na ito parang hinehele ako. Bago ko ipinikit ang aking mga mata ay napatingin ako sa orasan alas tres imedya palang ng hapon kaya pwede kahit isang oras akong matulog. Habang patulog na ako ay naramdaman ko ang pagtabi ni Harry. "Harry nasaan ang mga magulang mo?" Tanong ko habang nakapikit. "Nasa bahay." Sagot niya. "May bahay naman pala kayo. Bakit ka nandito? Nagrebelde ka ba o pinalayas ka?" "Bahala ka kung anong isipin mo." Sagot niya kaya napamulat na ako. "Pwede ba ang ganun?" Tanong ko pero wala akong nakuhang sagot. "Harry pwedeng payakap?" "No." Agad na sagot niya. "Yes, sa akin." Sabi ko naman at mahigpit akong yumakap sa kanyang baywang at umunan pa ako sa kanyang dibdib. Dinig na dinig ko ang malakas na t*bok ng kanyang puso. Sana ay ako ang dahilan kung bakit malakas ang pag t*bok ng kanyang puso. Ilang saglit lang ay hinahaplos na niya ang aking buhok, kakaiba talaga ang ugali niya. Masungit, seryoso pero ramdam ko na caring at sweet siya kahit hindi siya palangiti. Baka siguro pinalayas siya sa kanila dahil inaway nito ang mga magulang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD