Harry's point of view
Habang mahimbing ang kanyag tulog ay mqrahan kong sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking kamay. Napapaisip kung paano ko siya personal na ipakilala sa aking pamilya lalo na kay Lolo. Alam kong wala namang problema kay lolo na hindi dugong bughaw si Angela dahil wala na sana sina Tito at Lolo Tort na nag babantay sa akin. Lahat ng ginawa ko ay alam kong nakakarating kay Lolo.
Napahinga ako ng malalim na hinalikan ang kanyang buhok. Hindi pa nga niya ako kilala ng mabuti pero dahil crush niya daw ako ay eto siya ngayon, paano nalang kung mapagsamantala ako.
Napailing nalang akong inayos ang kanyang pagkakahiga dahil may kumakatok. Sigurado akong ang tita niya ang kumakatok. Umalis na ako sa kama at lumabas na ako sa aking kwarto. Pagbukas ko sa pintuan ay ang Tita nga niya ang kumakatok.
"Nandito ba si Angela Harry?"
"Opo, pumasok po kayo." Sabi ko na alam kong namangha siya sa mga laman ng bahay. Si Lolo Tort naman kasi ang naglagay ng mga gamit dito.
"Wow, ang ganda naman ng loob ng bahay mo. Hindi naman ganito ito dati ah. Kaya pala gustong-gusto niyang tumambay dito. Nasaan siya?"
"Nasa kwarto po." Sagot ko na napa hawak sa aking batok.
"K--kwarto?" tanong niya na nagulat.
"Ah, nagpahinga lang po siya. Don't worry po, malaki po ang respeto ko kay Angela."
"Paano kung si Angela ang walang respeto saiyo, mukhang nahulog ang loob ng anak ko saiyo. Tignan mo at dito pa talaga natulog at kwarto mo pa."
Hindi nalang ako umimik at pinapasok ko siya sa loob ng aking kwarto na mas lalong namangha siya sa kama.
"Sosyalin ang kama mo Harry." Sabi pa nito at sinubukan pa talaga na humiga sa kama ko.
"Ang sarap naman matulog dito, pwedeng dito na rin ako matulog." Sabi pa niya na nakangiti. Kung iisipin ay para na silang mag-ina.
Ilang saglit lang ay nagising na rin si Angela sa ingay ng Tita niya.
"Tita, bakit ka nandito?"
"Ikaw bata ka, halika na umuwi na tayo sa bahay. Mabuti at dito ako dumeretso para sabay tayong umuwi. Alam mo naman ang bunga-nga ng tito mo."
"Ikaw naman kasi Tita, mas mabait naman si Kuya Mateo. Bakit ka kasi nakipag break sa kanya." Bulaslas ni Angela na yumakap sa Tita niya.
"Tapos na yun kaya huwag mo nang ipaalala. Halika na umuwi na tayo at palitan mo yang damit mo. May pasok ka bukas hindi na maganda matutulog ka hanggang gusto ko. Baka hindi ka na makatulog mamayang gabi."
Bumangon na rin siya at pumasok sa banyo, napatingin ako sa Tita niya na nakahiga parin sa aking kama na parang ang lalim ng ng iniisip. Naging sila pala ni Kuya Mateo, kahit dalawang beses ko palang nakausap si Kuya Mateo ay alam kong mabait ito.
"Tita, tayo na. Parang ikaw naman ang ayaw bumangon diyan." Sabi ni Angela na hinila pa talaga ang Tita niya sa kama ko. Napailing nalang ako sa kakulitan ng dalawa.
Nagpa-alam na sila at isinarado ko na ang pintuan. Napatingin ako sa ulam sa mesa, kinuha ko na ang mga ito at inilagay sa plato pagkatapos ay pinainit sa microwave. Kumain na rin ako habang kausap si Mommy na naka on ang aking camera.
Makulit si Mommy kung nag-uusap kami kada hapon, isa-isa niyang tinatanong ang lahat ng aking ginagawa. Tapos na akong kumain at ayaw pa niyang ibaba ang tawag.
Mommy: Hindi ba malamok diyan anak?
Me: Hindi Mom, nilagyan nina Lolo Tort ng screen ang mga bintana. May lamok man pero konti lang.
Mommy: Ano kaya anak kung, diyan na rin kami titira?
Me: No, Mom.
Mommy: Miss na miss na kita anak. Wala nang kaaway ang Daddy mo dito sa bahay.
Sabi niya na natatawa, Ilang saglit ay narinig ko na din si Daddy. Nakisingit din siya para kausapin ako. Marami kaming pinag-usapan at isa na dito ang relo ko na bigay ni Lolo. Dapat daw ay lagi ko itong dala. I know kung ano ang gamit ng relo na iyon pero gusto kong sa pagkakataon na ito ay ako ang mag didisisyon sa lahat ng gagawin ko. Nasa paligid ko lang naman si Lolo Tort kaya alam kong safe ako.
Nagpa-alam na ako at hinugasan ko na ang aking pinagkainan. Pumasok na ako sa aking kwarto at dumeretso na sa banyo para magshower saglit.
Nakita ko pa ang panty ni Angela na iniwan niya sa labahan ko. I got curious kaya kinuha ko ito at inamoy. Naka ilang hinghot na ako pero wala naman akong maamoy. Bakit naririnig ko kina Joe na nakakaadik daw ang panty ng mga babae? Sinuri ko ang panty at may napansin ako. Inamoy ko ang parte ng panty kung saan natatakpan ang hiyas ni Angela. I smell something at mas tumagal ang pag singhot ko.
Medyo may naamoy ako na hindi maaganda sa una pero habang tumatagal ay parang ayoko nang hintuan. Napagpasyahan kong dalhin ito sa akin kama. Dahil parang na rerelax ako sa aking naamoy. Inilagay ko na muna sa kama ko ang panty ni Angela at pagkatapos ay binuksan ko ang aking bintana. Agad na nakita ko si Angela na halatang hinihintay ako.
Kumaway siya sa akin, hindi ako kumaway at isarado ko na ang aking bintana dahil nakita ko din ang Tito niya na nasa labas ng kanilang bahay naninigarilyo na napatingin sa akin. Hindi niya siguro napansin si Angela sa bintana.
Pinatay ko na ang ilaw at humiga na rin. Naalala ko ang panty ni Angela kaya inamoy ko na naman ito hanggang sa nakatulog na ako. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil tutulong pa ako kina Kuya Mateo bago pumasok sa paaralan. Now alam ko na kung gaano kahirap ang pinag dadaanan ni Kiko. Mag-isa lang ako habang siya ay may mga kapatid pang maliliit na inaaaalagaan.
Habang naglalakad ako ay may humarang sa aking dadaanan. Madilim man pero may mga ilaw sa kalye kaya nakilala ko sila. Sila ang dalawang lalaki kahapon sa karinderya.
"Pare hindi ba ito si Tisoy?" Sabi ng isa.
"Oo, pare. Tignan mo nga naman. Ang swerte natin."
Tahimik lang akong nakatingin sa kanila. May inilabas silang kutsilyo kaya medyo lumayo ako. Nang susuntukin ako ng isang lalaki ay mabilis akong umilag. Pagka-ilag ko ay bumulagta nalang sila at may mga nakaturok na sa kanilang mga leeg.
"Okay ka lang Harry?" Tanong ni Tito Tali.
"Okay lang Tito, ano yung naka turok sa kanila?"
"Pampatulog lang at pagkagising nila ay wala na silang maalala. Here, kape ka muna." Sabi Lolo Tort.
"Siya nga pala, kailangan namin bumalik sa palasyo."
"Bakit Lolo?"
"Ang Ate Lovely mo, pupunta sa ibang bansa para magmedical mission."
"Sige po Lolo, wala pong problema." Sagot ko na humigop na sa kape. Ang katawan ng dalawa ay itinabi lang nila at ang kutsilyo na hawak ng lalaki ay itinapon ni Lolo Tort.
Inihatid na nila ako sa palengke at pagkatapos ay nagpa-alam na sila. Saktong pagdating ko ay dumating na ang truck na puno ng mga gulay. Kahit paano ay naging mabilis na ang aking kilos lalo na at iniisip ko pa ang pagpasok ko mamaya. Alas sais na nang natapos ako at mabilis na nagpa-alam kay Kuya Mateo.
"Eto, allowance mo." Sabi niya sabay abot sa akin ng limang daan piso.
"Pero hindi pa sahuran kuya?"
"Kunin mo na para hindi ka kawawa sa school mo."
Kinuha ko na ito para hindi na tumagal ang aming usapan, kailangan ko pang umuwi at maligo. Nagpasalamat ako kay Kuya at patakbong umuwi na. Nakasalubong ko pa ang dalawang lalaking tumambang sa akin kanina at hindi nila ako pinansin na sapo ang kanilang mga ulo.
"T*ngina Pare, balit tayo nandito at bakit tayo natulog sa daan?" Dinig ko pa na tanong ng isa.
"Ewan ko nga din pare." Sagot naman ng kasama niya.
Mas binilisan ang aking pagtakbo at pagdating ko sa aking bahay ay agad na akong naligo. Wala na akong oras na kumain pa ng agahan kaya nag suot na muna ako ng ordinary na damit. Forth grading lang akong mag-aaral sa school nina Angela at doon na rin ako mag tatapos ng high school. Mabuti at nagawan ng paraan ni Lolo Tort ang lahat para makpasok ako sa school nina Angela na patapos na ang school year.
Dahil sa hindi ko pa alam ang school nina Angela ay umarkila na lang ako ng tricycle. Habang nakasakay ako ay nagtanong narin ako kung paano ang mga commute kay kuya. May Jeep daw na sakayan ng mga studyante na deretso na sa school at itinuro pa sa akin kung saan ako mag-aabang.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na kami. Kaya pala sa school namin ginaganap lagi ang palaro dahil halos kalahati lang ng school na pinanggalingan ko sa school nila. Bumaba na ako at nagbayad ng 150 pesos. May security guard na humarang sa akin dahil hindi ako naka uniporme. Ipinakita ko ang aking mga documento kaya pinapasok na niya ako.
"Kuya saan banda ang room ng Grade 12?" Tanong ko kay Kuya at itinuro naman niya sa akin.
Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga studyante kaya mas sumeryoso ang aking mukha na nilampasan sila. Nang makita ko na ang room ay agad na akong pumasok. Ang ingay na naririnig ko kanina mula sa labas ay bigla siya silang tumahimik pagpasok ko.
"Harry!" Boses ni Angela na agad lumapit sa akin. I want to hug her, bagay na bagay sa kanya ang kanilang uniporme pero pinigilan ko lang ang aking sarili.
"Kilala mo Angela?" Tanong ng lalaking sumunod sa kanya.
"Oo boyfriend ko." Agad na sagot niya at nagulat ang kanyang mga ka klase kasali na ako.