Angela's pov
Dadaan sana ako sa bahay ni Harry pero nasa labas si Tito kaya tuloy-tuloy nalang ang aking paglalakad. Gusto ko pa man din sana siyang makasabay kahit sa hintayan lang. Sana talaga ay noon pa ako sumali ng mga palaro sa school sa namin, eh di sana noon ko pa na meet ang first love ko.
Nakipila na ako para sumakay sa Jeep, kahit ang aga pa ay mainit na kaya kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ang aking pawisang mukha. Napatingin ako sa mga kasama kong studyante na naka todo make up, hindi ko maiwasan na itago ang aking ngiti dahil kalat na ang kanilang mga make-up sa mukha.
Ilang saglit ay bumalik na ang jeep galing sa school namin kaya halos magtulakan na kami kahit na may pila. Sa gitna ako naupo at ilang minuto lang ay na puno na agad ang Jeep. Sana kasi ay may isa pang jeep para hindi kami mag-unahan ng ganito. Mahal kasi ang tricycle at mas matagal pang makarating sa school.
Pagkalipas ng ilang minuto ay isa-isa na kaming bumaba at ang magbayad na ako ay hindi tinaggap ng driver.
"Huwag na Angela." Sabi ni Kuya Jun.
"Bakit po?" Agad na tanong ko.
"Wala lang sige na." Sagot niya na nakangiti.
Kahit anong pilit ko ay ayaw niyang tanggapin, nagpasalamat nalang ako at pumasok na sa loob ng paaralan. Pagpasok ko sa loob ng room namin ay agad nila ako sinalubong ng pagbati dahil sa pagkapanalo ko na miss intram.
"Hoy, Angela sino yung Crush mo?" Tanong ng aking kaibigan.
"Secret!" nakangiting sagot ko at umupo na.
"Ito para saiyo kahit hindi mo ako crush." Sabi ni Arjun na nanlilugaw na sa akin ng tatlong buwan.
"Bakit mo kasi ako binibigayan ng chocolate, Arjun una palang sinabi ko saiyo na wala akong nararamdaman saiyo. Isa pa ang bata pa natin." Mahinang sabi ko para hindi siya mapahiya. Anak pa man din siya ni Kapitan.
"Malapit na tayong mag 18 Angela."
"Kahit na may crush ako at siya ang boyfriend ko."
"Ano, sino?" tanong niya at napatingin ako sa kanya.
Biglang natahimik ang aking mga ka klase, akala ko ang guro na namin pero pagtingin ko ay si Harry.
"Harry!" malakas na tawag ko na agad tumayo mula sa aking kinauupuan. Tinanong ng kaibigan ko kung kilala ko siya at agad na sinabi kong siya ang boyfriend ko.
Nagulat ang mga ka klase ko dahil sa dami ng mga nanliligaw sa akin ay may sinagot na ako.
"Ano, siya? T*ngina naman Angela. Wala namang binatbat nito sa akin. Tignan mo ang damit niya lumang-luma at may butas pa.
"Tumigil ka nga diyan Arjun, so ano naman ngayon? Ang damit ay madaling mabili at napapalitan pero ang mukha kailangan pa ng Belo!" Inis na sagot ko at nagtawanan ang aking mga ka klase. Ayoko sana siyang sagutin pero ayokong inaapi niya ang boyfriend ko.
Tahimik lang si Harry ng inakay ko siya sa tabi ko.
"Diyan ako ah." Sabat ni Arjun na halatang galit.
Para wala nang gulo ay sa harapan nalang kaming umupo ni Harry.
"Harry, dito ka ba mag-aaral? totoo?" Masayang tanong ko na sobrag lapit ng mukha ko sa balikat niya.
"Anong gagawin ko dito kung hindi ako dito mag-aral?" Masungit na tanong niya.
"Hindi ba huling grading period na bakit ngayon ka lang lumipat? sinusundan mo ako ano?" Panunukso ko sa kanya.
"Nasa palengke ang trabaho ko hindi ba? Alangan naman na mag biyahe pa ako ng dalawang oras para lang pumasok sa school na pinang galingan ko."
"Oo nga ano." Sambit ko nalang at dumating na ang first subject namin.
Sobrang saya ko na nasa tabi ko lang si Harry, kahit luma naman ang damit niya pero ang bango-bango niya. Amoy na amoy ko ang gamit niyang sabon na lifeboy.
Ipinakilala siya ng guro namin at seryoso lang si Harry na ibinigay ang kanyang pangalan at kung saan siya galing na school. Pagkatapos ay umupo na siya ulit sa tabi ko. Nagsimula nang magturo ang guro namin tungkol sa history. Napansin ko na hindi ang susulat si Harry.
Ang pinag-aaralan namin ngayon ay ang tungkol sa mga Kings at ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa mga pinakamayaman na king sa buong mundo. Manghang-mangha ako sa aking naririnig tungkol sa nasasakupan ng King De Ghotti. Sa bansa lang niya daw ang walang mahirap, pero strikto ang mga rules, hindi basta-basta maka pasok sa bansang kanyang nasasakupan kung walang mag-imbita at talagang pinag-aaralan daw ng mabuti kung ma approved ang pagpasok mo sa bansa nila. Kaya zero crime doon at masayang namumuhay ang mga tao.
"Ma'am, may dating site po ba sila?" tanong ng kaibigan ko na ikina halakhak namin.
"Wala, strikto sila. Ang dapat lang nilang mapapangasawa ay ang taga lugar din nila. Kung mya nagustuhan silang taga ibang bansa ay idulog na muna nila sa mga matataas na opisyal. Ang media ay hawak ng palasyo, alam ba ninyo na ang mga celphone nila ay pang lokal lang. Hindi sila pwedeng tumawag o sa taga ibang bansa. Kahit sa email ay restricted din. Kung lumabag ka sa batas ay itatapon ka nila sa ibang bansa at hindi ka na pwedeng makabalik pa kasama ang pamilya mo."
"Grabe naman po kung ganun." Bulaslas ko at napansin ko na napalingon sa akin si Harry.
"Kung kayo ang tatanungin ko, halimbawa nakatira kayo sa nasasakupan ng hari De Ghotti. Ang bansa kung saan, libre lahat. Pagkain, edukasyon, pagpapagamot at protektado ka. Susuway ba kayo ng batas ng Hari?"
"Ma'am para naman kayong nakakulong noon. Wala kang alam sa outside world." Sambit ko.
"Pwede ka naman magtravel at ang maganda dito ay ang pera nila ang may pinakamataas na currency sa buong mundo."
Sinabi ng guro namin ang currency nila at first time ko lang marinig. Imagine na ang one dollar nila ay isang libo na sa Pilipinas kaya napa " Wow" Nalang kaming lahat.
"Ma'am sino ang asawa ng King?" tanong ko pa dahil ang swerte naman niya.
"Walang nakaka-alam kung sino ang asawa ng King pero ayon sa bali-balita ay malapit na siyang bababa sa kanyang trono at ang kanyang unang apo na lalaki ang papalit sa kanya."
"Ma'am, may larawan ba kayo ng apo ng King at masulot nga." Sabi ng kaibigan ko kaya natawa na naman kami.
"Wala, kahit nga ang mukha ng King Frances De Ghotti ay walang nakaka-alam. Kung hindi ka dugong bughaw ay hindi ka pwedeng pakasalan ng King."
"Ano, ang unfair naman po noon bakit po ang mga dugong bughaw sa England pwede silang maikasal sa ordinaryong tayo." sabi ko na nakasimangot na.
"Ang King lang naman at ang maging King." Sagot ng guro namin at napahinga ako ng malalim.
"Bakit, gusto mo bang makapag-asawa ng King? Yang boyfriend mo nga mukhang mas mahirap pa sa pulubi sa kalye." Sabat ni Arjun. Tinignan ko nalang siya ng masama.
"Baka sa pera po nila, may larawan doon ang King." Sabat ng isa naming ka klase.
"Nakita ko na ang pera nila at ang palasyo ang naka lagay doon."
Humaba ang diskasyon at halos ayaw naming paalisin ang aming guro. Lahat kami ay interesado tungkol sa King.
"Harry, bakit tahimik ka lang?" Tanong ko kay Harry paglabas ng aming guro. Susunod na subject namin ay Math.
"I was just listening, why?"
"Nothing." Sagot ko na napa English na rin.
Dumating ang aming Math teacher, kaya tumahimik na ako dahil ang Math ang pinaka baba sa lahat ng grado ko. Mas mas mataas ang kalaban ko sa high honors kaya dapat makinig akong mabuti.
Tamihik na ako at lahat ay isinulat ko para pag-aralan ko ulit sa bahay. Napatingin ako kay Harry na tamihik lang din. Nagulat nalang kami ng basta nalang siyang tinawag ng guro namin na is solve ang problem na babasahin niya.
"Ma'am, bagong dating palang po si Harry at last week wala po siya." Agad na sabi ko.
"Tignan ko lang kung ano na ang naituro ng school na pinanggalingan niya."
Napahinga nalang ako ng malalim ng tumayo si Harry. Binasa ng guro namin ang problem at bahala na si Harry sa formula na gagamitin niya.
Napanga-nga na lang ako dahil unang sentence palang ng problem ay natapos na niya.
"Tapos na ba kayo sa unit na ito Mr. Beltran?" Tanong ng aming guro.
"Yes Ma'am nasa last Unit na kami." Sagot ni Harry at natahimik na ang guro namin dahil mukhang behind na kami. Kahit pala hindi na makinig si Harry ay alam na niya.
Ayun tuloy, ang dami naming homework para makahabol kami. Mabilis na natapos ang subject namin ay oras na ng pananghalian. Ala una ulit ang pasok namin sa pang hapon naming subject.
"Harry, dito nalang tayo kakain. Pag-uwi natin tulungan mo ako sa homework natin sa Math ah."
"Hoy Angela, pakopya ako." Sabat ng aking kaibigan na hindi pa nga sinasagot ni Harry ang sinabi ko.
Pumasok na kami sa school canteen at tinanong ko kay Harry kung ano ang gusto niyang ulam.
"Ako nalang ang mag-oder." Sabi niya kaya iniabot ko ang aking pera pero tinalikuran niya ako agad. Kahit talaga kailan ang suplado ang boyfie ko mabuti nalang at hindi siya pumalag kaninang ipinakilala ko na boyfriend ko siya kundi pagtatawanan ako ng aking mga ka klase.
"Boys, anong gusto ninyong ulam? Ako ang taya." Sambit ni Arjun kasama ang mga ka klase niya na papasok din sa canteen. Naghiyawan tuloy sila at narinig ko pa ang pangalan ko na tanga daw ako dahil isang pulibi ang kasintahan ko. Kibit-balikat na lang ako.
"Hayaan mo na yang mayabang na Arjun na yan, hindi bale ang gwapo ni Harry. Kung pwede ko nga rin siyang e crush pero may crush na ako."
"Huh sino!" Gulat na bulaslas ko dahil akala ko ay tibo ang kaibigan ko.
"Yung si Kiko sa kabilang school."
"Kiko? Parang kaibigan yun ni Harry kasi nakita at nakausap ko siya sa palengke.
"Talaga!" Masayang sambit din ng kaibigan ko. Kaya pagdating ni Harry ay maraming tinanong ang kaibigan ko tungkol kay Kiko. Ulila na pala sila at siya ang nagtataguyod sa kanyang mga kapatid.
"Hindi bale, tutulungan ko siya." Sabat ng kaibigan kong ewan ko.
"Ni hindi ka pa nga kilala ni Kiko, parang asawa na ang nasa utak mo." Sabi ko at nagtawanan kaming dalawa dahil pareho lang kami. Habang si Harry ay napapailing na lang.