Harry's point of view
Sumakit ang ulo ko sa kakulitan ng dalawa, makulit na si Angela pero mas makulit pa si Kikay. Pinipilit ako na ibigay daw ang number ni Kiko pero anong ibibigay ko kung wala namang celphone ang kaibigan ko.
"Sige na Harry para ka textmate ko si Kiko." Paungungulit ulit ni Kikay.
"Wala nga siyang cellphone."
"Ano? 2025 na kahit nga pulubi sa kalye ay may hawak nang cellphone.
"Wala nga din akong cellphone." Seryosong sagot ko na at kung maari lang ay gusto ko nang bumalik sa room namin.
"Oo, wala din cell phone ang boyfriend ko pero magkapit bahay lang kami kaya okay lang." Masayang sabat ni Angela.
"Harry, pwedeng kausapin mo minsan si Kiko na kain tayo sa karinderya nina Angela, kahit ako na ang magbayad ng kakainin niya."
"I will try." Sagot ko at napatingin sa grupo nina Arjun.
"Alam ninyo ang Daddy ko, bibili ng bago naming pick-up na sasakayan at kapag makakuha ako ng lisensiya ay yun na ang maging service ko papunta dito sa paaralan." Dinig ko na sabi nito na halatang pinaparinggan kami.
"Yabang naman ni Arjun, pustahan tayo second hand lang naman ang bibilihin nila. Magkano lang naman ang sahod ng kapitan." Mahinang sambit ni Kikay.
"Hayaan mo na." Sagot din ni Angela na pinapatahimik ang kaibigan niya.
Binilisan ko nang kumain at nauna na akong tumayo.
"Mauna na ako sa room." Sabi ko dahil bukod sa sobrang init ng panahon ay ang iingay pa ng mga studyante sa loob ng canteen. Sanay ako sa tamihik dahil sa ilang taon ko na nag-aaral sa pinanggalingan ko na school ay sa kubo kami kumakain ng lunch at pagkatapos ay natutulog pa kami kahit 30 minutes lang.
"Hindi ba girlfriend mo si Angela? bakit mo siya iiwan ewan dito? Kung ako ang girlfriend mo Harry minus 10 ka sa akin." Sabi ni Kikay.
"Kung halimbawang maging girlfriend ka ni Kiko, minus 80 ka sa akin ang ingay mo." Inis na sabi ko at iniwan na sila. Wala naman gagawin na hindi maganda si Arjun kay Angela dahil bukod sa maraming tao ay kumakain din ang mga guard.
Sa sobrang init ay tumakbo na ako papuntang room namin at pagdating ko ay pawisan na ako. Mag-isa naman ako sa room kaya hinubad ko na muna ang aking damit at nilakasan ang electricfan. Pinag harap ko ang dalawang upuan at pagkatapos ay umupo na ako para handa nang matulog. Tinakpan ko ang aking katawan gamit ang damit ko at ipinikit ko na ang aking mga mata.
Nasa kahimbingan ako ng tulog ng maramdaman kong may malambot na dumukit sa labi ko kaya napamulagat ako. Si Angela na sobrang lapit ang mukha sa akin. Ipinikit ko ulit ang aking mga mata at hinalikan niya ako ulit.
"Angela may makakita saiyo." Sabi ko na nakapikit.
"Dalawa palang tayo dito, sige matulog ka lang bantayan kita."
"Nasaan ang kaibigan mong maingay?"
"Nag cr." Sagot niya na ramdam kong tumabi siya sa akin. Humalik pa siya talaga sa balikat ko. Napangiti nalang akong ipinikit ulit ang aking mga mata.
Umigting ang aking mga panga ng marinig ko ang ingay ng mga papasok sa room at hinila pa talaga ang isang upuan kung saan nakapatong ang aking paa. Inayos ko nalang ang aking pag-upo at napatingin kay Angela na mahimbing ang tulog.
"Please, keep quiet may natutulog." Sabi ko sa grupo nina Arjun.
"Hoy, kung gusto mong matulog at uwi ka sa bahay ninyo. Lumabas ka nga dito." Sagot ni Arjun na tumabi kay Angela.
"Sa palagay mo iiwanan ko si Angela na mag-isa at kasama kayo?" Seryosong sagot ko.
"Hoy, hindi ako naniniwala na kasintahan mo si Angela. Ngayon lang kita nakita at bago ka lang paanong kasintahan mo agad?"
"Sweetheart, wake-up. Lipat tayo ng room." Mahinang gising ko kay Angela.
"Buhatin mo nalang ako sweetheart." Sagot niya na nakapikit at nakangiti. Alam ko nang nagtulog-tulogan lang siya.
"Tara na." Sabi ko at hinila ang kanyang kamay. May isang oras pa na pahinga namin. Sobrang aga ko kasing nagising kaninang umaga at hindi ako sanay na ganun ka aga magising. Noong weekend maaga akong nagising pero nag nap naman ako pag-uwi ko ng tanghali.
"Hoy, saan kayo pupunta?" Tanong ni Kikay.
"Magtatanan na kami ng sweetheart ko." Sabat ni Angela.
"Naku isama naman ninyo kami ni Kiko." Sagot naman nito na naghiyawan na. Napailing nalang akong iniwan ang dalawang maingay at pumunta sa kabilang kwarto. Paglingon ko ay sumunod siya na parang may kumikiliti sa kanila. Mabuti at hindi na sumunod sina Arjun dahil kanina pa ako naaasar.
Pumasok ako sa room na bakante at agad na umupo, pag-upo ko ay pumasok naman ang dalawa. Napahinga nalang ako ng malalim at mabilis na ipinikit ang aking mga mata. Masakit na talaga ang ulo ko at kailangan kong itulog kahit 30 minuto lang.
"Friend, huwag tayong maingay pagod ang sweetheart ko." Dinig ko na bulong ni Angela.
Ilang saglit lang ay wala na akong marinig kaya tuluyan na akong nakatulog. Nagising nalang ako sa tawag ni Angela.
"Sweetheart, mag-uumpisa na ang subject natin." Sabi niya na tinapik ang aking mukha. Mabilis na akong tumayo at na out of balance pa ako kaya payakap ako sa kanya.
Yumakap naman siya sa akin at halos ayaw na niya akong pakawalan.
"Angela, malate na tayo."
"Isang minuto pa."Sagot niya na mas humigpit ang yakap sa katawan ko.
"May papasok dito at makikitang nakayakap ka sa akin, gusto mo bang ma expel?"
"Syempre ayoko, ang damot naman parang isang minuto lang." Sagot niya na sumimangot kaya inakbayan ko nalang at lumabas na kami.
Halos makatulog na ako sa pagtuturo ng guro namin dahil, napag-aralan na namin ang kanyang tinuturo. Mukhang sobrang behind na sila, nahalata siguro ng guro na hindi ako nakikinig dahil halis mag excercise na ako sa loob ng room. Kung ano-ano nang stretching ang ginawa ko para hindi lang ako antukin.
"Mr. Beltran, bakit hindi ka nag susulat?" Tanong niya na old fashion parin ang paraan ng pagtuturo. Sinabi ko na tapos na namin ang kanyang tinuturo kaya marami siyang tinanong na sa akin at nasagot ko naman.
"Kung mas maaga lang siguro na nag transfer si Harry dito ay baka siya ang pinakamagaling sa batch natin." Dinig ko na bulungan ng mga ka klase namin.
"Sweetheart ko yan." Sabat naman ni Angela. Bakit ba kasi napatawag ako ng sweetheart sa kanya. Ayan tuloy, sweetheart na ang tawa sa akin.
Natapos ang klase namin at nang pa-uwi na kami ay sa jeep na kami sumakay ni Angela. Magkatabi kami na nakahawak siya sa akin braso. Ilang saglit lang ay huminto na ang jeep sa babaan.
"Kuya dalawa kami." Sabay abot ko sa pamasahe namin ni Angela.
"Libre si Angela sa akin. Sino ka ba? Manliligaw niya?"
"No, boyfriend." Mahinang sambit ko habang si Angela ay may kausap na studyante.
"Boyfriend? ngayon lang kita nakita boyfriend agad?" Tanong niya na parang si Arjun lang din.
Hindi ko nalang siya sinagot.
"Hoy, akin ang bata na iyan. Matagal ko nang pinapalaki kaya kung ako saiyo ay huwag mo nang ituloy ang panliligaw sa kanya." bulong niya na parang may tulis na bagay siyang itinutok sa aking tagiliran.
"G*go!" Galit na sambit ko at iniwan siya. Pasalamat siya na maraming tao kundi sa kanya ko unang gagamitin ang flashlight ko na may electric shock with high voltage.
Lumapit na ako kay Angela at agad siyang yumakap sa akin. Napatingin ako sa driver ng jeep na masama ang tingin sa akin. Kung hindi pala ako maagang pumunta dito ay baka mapapahamak siya sa mga lalaking may gusto sa kanya.
"Sweetheart, sa bahay mo ako matutulog."
"What no?"
"Anong no? marami kang ituturo sa akin kaya mas maganda na sa bahay mo ako matutulog."
"Babae ka Angela, bakit ka matutulog sa bahay ko alam mo naman na iisa lang ang kwarto sa bahay ko."
"Boyfriend naman kita, ano naman ngayon? ikaw ah, s*x ang iniisip mo ano? Hindi pa ako handa diyan at bata pa tayo kaya huwag kang mag-alala hindi kita gagapangin pero, kung ikaw ang gagapang sa akin ay titihaya na nalang ako at welcome ka sa kweba ko."
"F*cK!" Bulaslas ko na iniwan na siya at tinawag ako pero hindi ko siya nilingon pa.
"Sweetheart, hintayin mo ako!" Sigaw pa niya kaya ang mga tao ay nakatingin na sa amin.
"May boyfriend na pala si Angela. May LQ pa ata sila." Dinig ko na usapan ng mga kapitbahay namin. Napailing nalang akong pumasok sa loob ng bahay at agad na isinarado ang pintuan. I love her but ang daldal niya.