Chapter 10

1663 Words
Angela's point of view Nagulat ako sa katalinuhan ni Harry, sigurado ako na may honor siya sa kanyang school na pinanggalingan. Dahil sa kanyang trabaho ay kailangan niyang lumipat ng paaralan. Habang nag lalakad kami ay humawak ako sa kanyang braso, Luma man ang damit niya pero ang bango-bango niya. Wala akong paki na sa mga nakatingin sa amin. "Angela, hands off." Mariing Sabi nito. "Parang hawak lang naman eh, boyfriend naman kita." Nakangiting sagot ko. Wala na rin siyang nagawa at hinayaan na niya ako. "Harry sa bahay mo ako matutulog mamaya." "No." Agad n sagot niya. "Yes, magpapaalam ako kay Tita." Sabi ko at humalik na muna sa kanyang pisngi. Sa labi niya sana ako hahalik pero ibinaling niya ang kanyang mukha sa kaya sa pisngi niya tuloy dumapo ang labi ko. Ang damot niya talaga parang kiss lang naman. Pagdating ko sa bahay ay wala pa si Tita kaya deretso na ako sa kwarto ko. Gaya ng dati bago ako pumasok ay sinuri ko na munang mabuti kung may pumasok sa kwarto. Pagkatapos ay tinignan ko sa CCTV, nagsalubong ang kilay ko ng makita ko si Tito na pumasok sa kwarto. Parang may hinahanap siya at nakita kong pumunta siya sa ilalim ng aking kama. Pagkatapos ay umalis din. Agad akong sumilip sa ilalim ng kama ko at may nakita akong box. Agad ko itong kinuha at nagulat ako dahil mga damit pambabae ang laman na kung isuot ay lutang na lahat pati kaluluwa. Bakit niya kaya inilagay ito dito? Pagdating ni Tita ay ipapakita ko sa kanya. Naligo na muna ako at pagkatapos kong naligo ay nagpahinga na muna. Mabuti nalang talaga ay mabait si Tita sa kain, dahil pag dating ko galing school ay hindi na kailangan na magluto ako dahil may iuuwi naman siyang pagkain galing sa karinderya. Tapos ay may nag lilinis sa bahay. Napagpasyahan ko na ilabas nalang ang mga homework namin na sobrang dami, ang math ang hinuli ko dahil sasakit lang ang ulo ko. Ibang subjects na muna ang ginawa ko, nang tapos na ako sa ilang subjects ko ay may kumatok. Napatingin ako sa orasan, alas sais na pala siguradong si Tita na. "Angela, halika na anak. Ipainit mo ang mga ulam at maliligo ako!" Sigaw ni Tita kaya mabilis akong tumayo. "Sige po Tita!" Malakas na sagot ko. Iniligpit ko na ang aking mga gamit at lumabas na ako. Mabuti at wala si Tito sa sala kaya hindi ako naiilang. Dumeretso na ako sa kusina at nadatnan ko ang maraming ulam. Pinainit ko na lahat para magdala na rin ako ng ulam ni Harry. Ilang saglit ay mainit na lahat at tapos na rin si Tita na naligo. "Tita bakit ang dami ninyong inuuwi na ulam?" "Hay naku, may costumer kami kanina. Nagbigay ng bente mill at kung sino daw ang gustong kumain ay libre niya. Eh week days ngayon kaya konti lang ang tao sa palengke. Kaya ang mga nagtitinda na lang na katabi natin ang binigyan ko. Tapos ay ibinigay ko sa mga tambay. Marami pa rin natira kahit na nag-uwi din ang mga tumutulong sa akin. "Kumita ba kayo sa bente mil Tita?" "Oo naman, walang hugas-hugas dahil inilagay namin sa plastic ang mga ulam na ipinamigay ko. Yung mga pinaglagyan nalang ng mga ulam hinugasan nila." "Eh bakit ngayon lang kayo umuwi?" "Nag general cleaning na rin kami sa karendirya para pagbalik ng nag bigay ng bente mil ay baka ulitin niya." Masayang sagot ni Tita. "Tita doon po ako matutulog sa bahay ni Harry." "Ano? eh mag -isa lang siya sa bahay niya at ibig sabihin ay kayong dalawa lang." "Mabait po si Harry Tita, hindi gaya ng iba na manyakis." "May tiwala ako kay Harry pero saiyo wala." Bulaslas ni Tita kaya napasimangot ako. "Tita naman, sige na nahihirapan ako sa Math subject namin. Lalo na ngayon at naghahabol kami dahil tapos na pala nina Harry ang unit namin ngayon." "Sigurado ka na magpapaturo ka lang?" "Oo, Tita pero kung ayaw ninyo po okay lang pero kayo ang magtuturo sa akin." "Sige na, umalis ka na. Alam mo naman na high school graduate lang ako at last section pa. Puro pasang awa ang grado ko noon." "Salamat Tita, doon na rin po ako gagayak na pumasok sa school. Huwag po ninyong sasabihin kay Tito." "Oo na hindi ko sasabihin. e locked mo ang kwarto mo para hindi niya mahalata." "Salamat Tita!" Masayang sambit ko at niyakap siya. "Sige na umalis ka na bago dumating ang Tito mo." Agad akong pumasok sa aking kwarto at kinuha ang aking mga gamit. Kasama na ang aking uniporme at sapatos. Lumabas na ako sa aking kwarto at naka lagay na rin sa tupperware ang dadalhin kong pagkain namin ni Harry. "Halika na samahan na kita, hindi mo mabitbit ang lahat. Hay naku parang malapit na kaming magka-apo ng Nanay mo." "Tita naman, walang ganun at isa pa ayaw ni Harry." "Tignan mo ang kalandian mong bata ka, sapol ka na. Sinubukan mong tuksuhin si Harry ano?" Tanong niya na kinurot ako. "Hindi pa Tita hanggang kiss lang ako." Natatawang sagot ko. Lumabas na kami sa bahay at pumunta na kami sa bahay ni Harry. Mabuti at madilim na kaya hindi na ako mapapansin ng mga kapitbahay. "Alam ba ni Harry na sa bahay ka niya matutulog?" "Oo Tita." "Pumayag ba siya?" tanong pa niya at natigilan ako na ngumiti. "Hindi siya pumayag ano?Paano na kung hindi ka niya papasukin?" "Papasukin ako Tita basta makita niyang hirap na hirap akong hawakan ang lahat akin na yan." Sabi ko sabay kinuha ang hawak niyang Tupperware. Napailing nalang si Tita na kumatok, naka ilang katok si Tita at sa wakas ay nagbukas na rin ang pintuan. Agad na nagtago si Tita sa gilid ng bahay kaya napangiti ako. Agad akong pumasok sa loob ng bahay ni Harry at inilapag ang mga dala ko sa kanyang mesa. "I told you, hindi ka pwedeng matulog dito." "Sinong nagsabi?" "Ako, bahay ko ito." "E girlfriend mo ako at ako ang boss mo kaya ako ang masusunod." Sagot ko na pumasok na sa kanyang kwarto dala ang aking mga gamit. Wala na siyang nagawa pa kaya napangiti ako ng patago. Sigurado ako na bumalik na si Tita sa bahay nang makita niyang pumasok na ako sa bahay ni Harry. "Kumain ka na? kain na tayo." Sabi ko na bumalik sa kusina pagkalagay ko sa aking mga gamit sa kanyang kwarto. Tahimik nalang siyang inilagay ang maliit niyang rice cooker at ang kanyag ulam. "Wow, alam mong magluto?" Gulat na tanong ko dahil nagluto siya ng salmon na sinigang. "Anong gagawin ko sa nakalagay sa fridge kung hindi ko lulutuin? isa pa alam mong nag-iisa ako? sino ang ibang magluluto?" Masungit na tanong niya na parang ipinarating niyang hindi ako nag-iisip. "Nagtatanong lang naman." Nakasimangot narin na sagot ko at parang naiiyak ako dahil ang harsh niya. Tahimik nalang akong kumain at nakayuko lang. Dinig na dinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Malas daw ang laging humihinga ng malalim lalo na kung nasa harapan ng pagkain." Mahinang sambit ko. Tinignan niya ako at patay malisya lang. Ang sungit niya talaga pero ang gwapo naman. Kahit hindi ako kumain ay nabubusog na ako sa ka gwapuhan niya. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas, medyo mababa ang lababo niya kaya sumakit ang aking likuran. Naubos namin ang kanyang niluto at ang iba ay kakainin nalang namin na agahan. Babaunin namin sana sa school pero baka mapanis lang. Nang tapos na akong maghugas ay pinatay ko na ang ilaw at nadatnan ko siyang bagong ligo na nakahiga na sa kama. "Harry, yung homework sa Math tulungan mo ako." Mahinang sambit ko na parang nahihiya na ako. "Okay." Sagot niya. Nagpa-alam na muna ako na magbanyo. Nakigamit na ako ng kanyang toothbrush at lumabas na rin ako sa banyo. Kinuha ko agad ang aking bag at inilabas ang activity book. "Your wet, palitan mo ang pantulog mo kumuha ka damit ko." Sabi niya seryoso parin. "Salamat." Nakangiti nang sambit ko dahil kaninang nag huhugas ako ay nabasa ang harapan ng aking pajama. Agad akong kumuha ng malaking t-shirt niya at sa harapan na niya mismo ako naghubad. Nakita ko siyang agad nagtalukbong ng kumot kaya napangiti ako. "Angela, bakit hindi na sa banyo nag palit?" Sabi niya na naka kumot parin. "Okay lang naman dahil boyfriend kita." "Kahit na hindi maganda sa babae na naghuhubad sa harapan ng lalaki." "Eh boyfriend kita." Sagot ko parin. T-shirt lang niya ang suot ko at tumabi na sa kanya. "Nakadamit na ako sweetheart, gawin na natin ang homework natin sa Math." Sabi ko sabay hila sa kumot at napa-upo siya agad. "Alin ang hindi mo alam?" "Lahat." Sagot ko at tinignan niya ako ng masama. Isa-isa niyang ipinaliwanag ang lahat, sinubukan kong sagutan na ang homework namin habang pinapanuod niya ako. "Masakit na ang likod ko Sweetheart, pwedeng dumapa?" "Bahala ka." Sagot naman niya. Agad naman akong dumapa at ramdam ko sa aking pang-upo na litaw na ito. Namula ang kanyang mukha kaya nakayuko akong pinipigilan ang mapatawa. Rinig na rinig ko ang kanyang sunod-sunod na paglunok. Magaling siyang magturo kaya nakuha ko na lahat. "Thank you sweetheart." Sabi ko at napatingin na sa kanya. Nahuli kong nakatitig siya sa pang-upo ka kaya iniligpit ko ang aking mga gamit na naka dapa parin kahit na nahihirpan ako. "Patayin ko na ang ilaw." Sabi niya na umalis sa kama. Ilang saglit ay madilim na at dama ko ang kanyang pagtabi sa akin. "Bukas, maaga akong magising dahil pupunta pa ako sa palengke. Pagbalik ko dapat ready kana dahil mabilis lang akong magbihis." Sabi niya na naka talikod sa akin. "Okay swetheart, pwedeng pa hug?" "No." Sagot niya pero yumakap parin ako. "I love you." Sabi ko na hinalikan ang kanyang batok. Damang-dama ko ang paninigas ng kanyang katawan. "Virgin ka pa ano?" mahinang tanong ko. "Shut up." sagot niya at natawa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD