Harry's point of view Sobra ng kulit ni Angela, konting-konti na lang ay mawawala na ang kontrol ko. Ang higpit ng yakap niya sa akin para na niya akong asawa sa kanyang ginagawa ako. Ilang saglit lang ay dama ko na ang normal niyang paghinga mula sa aking batok. Dahan-dahan na akong humarap sa kanya at masuyong hinalikan ang kanyang labi. Yumakap na rin ako ng mahigpit at natulog na rin. Kinabukasan ay nauna akong nagising, mabilis akong bumangon at pinatay na ang electric fan dahil malamig na. Agad ko siyang kinumutan dahil natutukso akong bumalik sa kama ng makita ko ang makinis niyang singit. Napahinga nalang ako at mabilis na naligo. Pagkaligo ko ay humalik ako ulit sa kanyang labi. Lumabas na ako sa kwarto at deretso na sa kusina. Nagulat nalang ako ng may tumikhim. "Hey Kuya." S

