Harry Jr. POV Ang perang ibinigay ni Kiko ay ibinigay ko sa isang organisasyon na tumutulong sa mga nagahasa na mga bata. Ang konting pera na mayroon ako ay bumili ako ng bike at may lalagayan narin ng ice cream. Sa bahay namin gagawin ang ice cream at iyon ang ititinda namin ni Thirdy. Hindi na kasi ako pwedeng bumalik sa pagkakargador dahil siguradong maraming itatanong na naman si Kiko. Masaya kami ni Angela para sa kanila. Sabay na ang kasal at binyag ng kanilang anak at kinuha kaming ninong. Habang ginagawa ni Angela ang ice cream ay nanunuod ang dalawang bata na parang gusto na nilang kumutsara. Kumuha ako ng dalawang kutsara at ibinigay sa kanila. "Wait sweetheart hindi pa tapos." Sabi ni Angela ng kukutsara na ang dalawa. "Ang bagal mo naman Ninang." Sambit ni Kaira na binita

