Angela's point of view Late na kaming nakatulog sa dami ng ikinuwento ng kambal sa akin, lalo na ang mga paghihirap ni Princess Emerald. Ang bait niya at hindi niya deserve ang g*gong Prince na iyon. Kinabukasan ay nagulat si Thirdy nang makita niya ang apat nag-usap sila sa language ng palasyo at naka nga-nga si Kaira na nakikinig. "Ninang, sino sila saang bansa sila galing? "Mga anak ng amo ko, na miss nila kami ni Thirdy kaya bumisita sila." "Kaya pala bulol si Thirdy dahil para silang bulol magsalita." Natawa nalang ako dahil totoo naman ang sinabi ni Kaira. Tinuruan ko ang dalawa kung paano makibagay sa mga kapitbahay. Pati pamamalengke at pagluluto habang sina Harry at ang kambal ay nagtitinda ng ice cream dahil pag-alis namin ay sila ang magpapatuloy ng lahat at iiwan pa nami

