bc

El Contreras 1: Dean Xavier (My Real Life Hero)

book_age18+
16.7K
FOLLOW
113.7K
READ
arrogant
boss
drama
twisted
sweet
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Hindi akalain ni Sandrine na ikakapahamak niya ang relasyon niya kay Albert. Nadiskubre niya ang maitim nitong sekreto. He was threatened by that. He was scared she will reveal his dirty secret. She broke up with him the moment she discovered he was just using her to his own expense.Pero hindi iyon ganoon kadali. Ginawa nito ang lahat para huwag niya itong hiwalayan. Tinatakot at pinagbantaan siya nito na nagdulot naman nang matinding takot sa kanya.

Gusto niyang pagsisihan na sa dami ng nanliligaw sa kaniya ay ang lalaking ito pa ang napili niya. Marami naman siyang nakasalamuha na mga lalaki dahil sa uri ng trabaho niya. Sikat siyang modelo ng bansa. Pero dahil sa banta ng kaniyang ex-boyfriend ay nanganib na mawala sa kaniya pati ang pinakamamahal niyang trabaho.

At dahil sa panganib na 'yon sa kaniyang buhay ay bigla namang pumasok sa eksena ang isang lalaking hindi niya kilala pero tinulungan siya mula sa mapangahas na si Albert. And she didn't know why he always came out of the picture every time she's in danger. Si Dean Xavier Contreras, Tall, dark and handsome. Hindi na rin siya nakakaramdam ng takot dahil sa lahat ng panganib sa buhay niya ay bigla namang sumusulpot si Dean para sagipin siya. At kakaiba ito sa lahat ng lalaking nakilala niya.

If superheroes are truly existed, then, Dean Xavier Contreras is her favorite superhero! At pati puso niya ay unti-unti na ring naghahangad na ito ay sagipin din ni Dean mula sa pagkawasak nito sa una niyang pag-ibig!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Nakangiti na ipinarada ni Sandrine ang kanyang kotse sa parking lot ng building. Kung saan naroroon ang Clinic ng kanyang Boyfriend. Pediatrician si Albert Suarrez. Ang pagka-hilig nito sa mga bata ang isa sa mga dahilan kung bakit inibig ito ni Sandrine. Bukod pa sa napaka-guwapo rin nito, at mayaman pa. Anak ng Congressman sa kanilang lugar si Albert. Nakilala ito ni Sandrine sa isang Fashion show sa France. Kung saan kinuha siya bilang isang modelo ng isang sikat na fashion designer. Yes, Sandrine Hernandez, 24, is a well-known fashion model of  the country. Tall, very beautiful, at ang katawan na kahit sinong babae’y hinahangad mapasakanila. Ng matapos ang show ay kinuha ni Albert ang kanyang cellphone number, at mula noon hindi na siya tinantanan pa. Doon niya nalaman na matagal na palang may gusto si Albert sa kanya, at nakikita siya sa mga business parties dahil ang ama niya ay kilalang business man sa  bansa. Pero, hindi lang ito nakalapit sa kanya kaagad dahil talaga namang naging mailap siya. And partying with those Businessmen and women made her bored to death. Agad siyang magdadahilan sa ama na mauunang uuwi, at sumasakit ang ulo niya. Tutulan man siya nito ay wala pa ring magagawa sa kanya. She is his Unica Hija. His Princess. Grade six palang siya ng mamatay ang kanyang ina dahil sa sakit na cancer. Hindi na rin nag-asawa pa ang kanyang ama. Matagal na siyang hinihikayat nito mag trabaho sa kanilang kompanya, but she refused to. She loves to model. Maliit palang siya pangarap na niya ang romampa. At noong mag college siya ay nakilala niya si James. He’s gay at Fashion designer, hinikayat siya nito na ipagpatuloy ang kanyang  pangarap. That was the beginning of  her career. Naging kaliwa’t kanan nga ang naging offer sa kanya, at si James ang naging manager niya at naging bestfriend na rin niya. Lahat ng hinanakit niya sa buhay ay kay James siya lumalapit, dahil hindi naman siya ang tipong palakaibigan. Dahil ang tingin ng iba ay snob siya, pero sa totoo lang mapili lang talaga siya sa kaibigan. Para sa kanya kasi maraming kaibigan mas prone din sa gulo, dahil nandiyan lang yung  mga plastic at mga ahas na kaibigan.   Bumaba na siya ng kanyang kotse,  at masayang tinungo ang clinic ng nobyo. Sigurado siyang masosorpresa sa kanyang pagdating si Albert. Ka-uuwi niya lang galing Dubai dahil nagkaroon siya ng show doon, at dito siya kaagad domiritso dahil namimiss na niya ang boyfriend. Malayo-layo palang siya ay kitang-kita na niya ang nakaawang pintuan ng clinic ni Albert. Sinadya niyang hindi makalikha ng ingay habang lumalapit. Nang marating sumilip siya sa loob, at nakita niyang bakante ang mesa ni Janet ang assistant nito. Tiptoeing. She walks closer sa  pinakaloob ng klinika nito. Kung saan naroon ang mesa nito. Only to find out something. So terrifying. So bold.  Parang biglang lumipad ang utak niya sa nasasaksihan. Albert sits on his couch while the petite woman sitting on his lap. Both nude and wild! Ni walang pakialam sa paligid. Hindi niya kilala ang babae dahil nakatalikod ito sa gawi niya. She wonders, how they can manage to talk, while doing obscenity. Ang pinag-uusapan ng mga ito ang  tila tattoo na tumatatak sa kanyang utak. “Paano pagmalaman ito ni Ronald?” Sabi ng babae. “Hindi ito malalaman ni Mayor Sevilla hangga’t girlfriend ko si Sandrine.” Nakita ni Sandrine ang paghigpit ng yakap nito sa babaeng kaulayaw. “Poor Sandrine!” Sabi ng babae. Saka malakas itong tumatawa, habang umiindayog sa  ibabaw ni Albert. Namilog ang mga mata ni Sandrine sa nalaman. Asawa ito ni Mayor  Ronald Sevilla! Si Carla Sevilla. Party goer  at sikat na socialite. At may lihim silang  relasyon ni Albert!  At siya? Ginawa pala siyang pain ng dalawang walang kaluluwa! Hindi niya namalayan na nalaglag pala niya ang bitbit na paper bag na naglalaman ng pasalubong sana niya sa lalaki. Hindi naiwasang lumikha iyon ng ingay, at halos sabay na lumingon ang dalawa sa kanya. Biglang bumangon ang poot sa kanyang dibdib. Mabilis siyang lumabas ng pinto, at patakbong lumabas ng buiding. Tinawag pa siya ni Albert pero ayaw niyang lumingon manlang dito, at nandidiri siya sa natuklasan. Matagal na pala siyang pinagloloko ng dalawa. Masama ang kanyang loob, nasasaktan siya ng sobra-sobra pero ni hindi niya magawang umiyak.   Akma niyang bubuksan ang  pintuan ng kanyang kotse ng mahagip ni Albert ang kanyang braso. Napapitlag siya, at pilit binabawi ang braso mula sa mahigpit nitong  pagkaka-hawak. May pakiramdam siyang magmamarka ang  mga daliri nito sa malambot niyang balat, pero wala ng sasakit pa sa ginawa nitong panloloko sa kanya. “Let me go Albert dahil nandidiri ako sayo!” Taas noong hinarap niya ito at pinagpag ang brasong nahawakan nito. Mahina ngunit madiin ang kanyang pagbigkas ng bawat salita. Ayaw niyang may makarinig ng sinasabi niya, at baka pagpyistahan naman sila ng mga media. Pareho silang kilala sa lipunan. “Let’s talk honey, what you saw was..” Pinutol niya ang ano mang sasabihin nito. “What I saw was pure bullshit! You both can go to hell, for all I care!” Nanginginig siya sa galit habang sinasabi niya iyon. “Wala na tayong  pag-usapan pa, umusod ka at baka mabangga ka ng sasakyan ko.” Dagdag niya saka matapang itong tiningnan sa mga mata, at agad naman itong umiwas ng tingin sa kanya.  That’s her personality. Lumaki siyang matapang at hindi lampa, kahit na itinuturing siyang  prinsesa ng kanyang ama. Hindi rin siya ‘yung tipong iiyak sa isang sulok pag na agrabyado. “You can’t do this to me Sandrine. Pagsisihan mo ang araw na to.” Galit na sabi ni Albert. Sa loob ng  halos isang taon nilang relasyon ngayon niya lang nakinitaang nagalit ito, at nagugulat siya sa ibang side ng ugali nito. He used to be so calm, so sweet, at sobrang maasikaso. Of course, that was all for the show! “You can’t use me Albert. Never again. At hindi ako natatakot sayo!” Ibinalibag niya ang pinto ng sasakyan,  and drove furiously away.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
77.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook