ONE YEAR LATER: “T—Tulungan mo ako, Hero. Hindi ko na kaya dito. Pagod na pagod na ako dito sa Pulang Lupa. Hindi ko na kaya ang ginagawa nila sa akin,” umiiyak na boses mula sa kabilang linya ang nag gising sa diwa ko na inaantok pa. “Ang lakas ng loob mo na humingi ng tulong sa akin, matapos mo ipagkanulo ang sarili mong kadugo! Bullshit Jessica! Dyan ka na mamamatay!” malakas na sigaw ko. Sabay baba ng tawag. Ang ina nito na si Matilda, nasa piitan na. Habang ang ama nito, nang-agaw ng baril sa kulungan, kaya tinira ng mga pulis. Si Jessica naman, abot hanggang langit ang galit ni Gideon. Kaya pinadala sa isla, kung saan ginaganap ang “Porta Potty Party” kasiyahan ng mga mayayaman. Na may mga sayad sa utak. Sa parehong lugar kung saan dinala dati si Rose. Ginagawa ng mga bilyona

