Chapter 5

1773 Words
Chapter 5 Lallaine's POV *** "Lallaine, saan ka na naman ba nanggaling?" bati sa akin ni Cheska na siyang classmate ko sa lahat ng subject. Inaayos niya ang pagkakatali ng kulot niyang buhok habang sinusundan ako ng tingin habang paupo ako sa desk ko. "Sigurado namang hindi ka pa sa trabaho, 'di ba?" Tumango ako. "Sa library lang." Tumawa si Crisa. Classmate namin sa subject namim ngayon. "As usual! Hindi mo tuloy nakita 'yong away kanina sa garden." Natigilan ako at tiningnan siya. Away? Kaagad na rumehistro sa utak ko si Marquez. May pasa na siya sa labi niya kaya siguradong nagkaabutan na sila bago pa siya makapagtago sa library kanina. Muling napabalik ang atensyon ko kay Crisa at Cheska nang magsimula silang magkuwentuhan. Pareho silang nasa kaliwa ko at hindi naman sila nagbubulungan kaya naging madali sa akin ang makitsismis. Wala pa rin kasi ang professor namin, habang mukha naman walang pakialam ang iba naming block mates at mas abala sa kaniya-kaniyang topic o gawain. "Oo nga, late na akong dumating. Ano bang nangyari kanina?" pang-uusisa ni Cheska. Mas lumapit sa amin si Crisa na para bang sekreto lang ang sasabihin niya, pero hindi naman hinihinaan ang boses niya. At nakatingin din siya sa akin kahit hindi naman ako nagtatanong o sumasali sa chismisan nila talaga. Daily na yata nila ni Chescka ang mag-usap tungkol sa chismis dito sa school. "So, hayun nga! Si Marco, kasama 'yong galamay niyang bully, ni-hunting nila si Nathaniel Marquez sa garden. Ewan ko, na-heartbroken yata 'yong kapatid ni Marco dahil doon sa Marquez, kaya hayun, bubugbugin dapat nila. Hayun na ang aksyon, nagkakasalpukan na, kaso may dumating na mga nasa Student Council kaya tumigil sila. Pinagbantaan pa ni Marco na hindi pa raw sila tapos." "Ahh," tumatangong sabi ni Cheska. "Kaya pala hinahanap nila si Marquez kanina." "Oh? Hinahanap pa nila?" Tumango si Cheska. "Oo, isa ako sa natanungan, e. Kaso hindi ko naman alam. Malay ko ba kung saan na nagtago 'yong Marquez na iyon. Pasalamat siya, guwapo siya." "Hmp! Aanhin mo ang guwapo kung paasa naman? Malala kung cheater pa." "Sabagay." Pasimple ko lang silang pinakikinggan habang nagpapanggap na nasa notes ko ang atensyon ko. Si Marco ay iyong MVP, at ang alam ko nga ay may kapatid siyang babae na mas bata sa amin, base sa year niya. High school pa lang iyon habang kami ay first year college. Kaedad ko lang si Marco, sa pagkakaalam ko ha. Maganda ang kapatid niya at famous sa school dahil suma-sideline bilang model sa isang clothing brand. Iyon siguro ang tinutukoy nila. Napaisip tuloy ako. Hinahanap pa rin kaya siya ng mga iyon hanggang ngayon? Iniwanan ko siya sa library at hindi ko alam kung babalik pa ang mga iyon para hanapin siya. Ngayon ko lang naalala na hindi nga sa akin sinabi ni Marquez kung bakit siya hinahanap ng mga 'yon. Siguro nahihiya rin siyang sabihin ang kalokohan niya. Kasalanan din naman pala niya. Kahit ang kuya ko ay palaging sinasabi sa akin kapag napag-uusapan ang mga manliligaw ko o magiging future boyfriend, na kapag may nanakit sa akin ay hahabulin niya talaga ng itak. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang pagsisihan na itinago ko siya kanina, o deserve niya rin sigurong mabigyan ng leksyon. Pero may tama na siya kanina sa labi. Siguro naman sapat na iyon? Umiling-iling ako. Bakit ko pa ba siya iniisip? Iniwan ko na nga siya roon para tapos na, tapos iniisip ko pa rin siya? Bahala na, basta natulungan ko na siya once, sapat na iyon. "Huy, Lallaine? Ayos ka lang?" Napaangat ang tingin ko. Nagtataka silang dalawa na nakatingin sa akin. Nagsalubong ang kilay nila at nakisilip sa notes ko, at nang mukhang nakita nilang wala silang mapapala roon ay sa mukha ko na ulit sila tumingin. "Umiiling ka, bakit?" Napakurap-kurap ako. Doon ko lang na-realised na halata pala ang pag-iling ko at pagsuway sa sarili. Nagpilit ako ng ngiti. "Ah, wala. May naalala lang ako." Tumango lang sila pareho sa akin at muli silang nagkuwentuhan. This time ay ibang bagay o tao na ang pinag-uusapan nila pero tungkol pa rin sa mga nangyari kanina habang nasa library ako. Oo na! Nawawala talaga ako sa mundo kapag nasa library ako. Wala akong alam sa mga nangyayari. Hindi nagtagal ay halos tumahimik na rin ang klase nang dumating na ang professor namin para sa subject na ito. As usual, tutok na naman ako sa pag-aaral, hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras at uwian na. Wala na akong subject na kailangan i-take. Isang oras na lang din ay kailangan ko nang pumasok sa trabaho. Tumayo na ako. Kasalukuyan na silang nag-aayaan ng gala nila bago umuwi sa bahay habang ako ay nililigpit na ang gamit ko at handa nang umalis. Sinubukan nila akong ayain kahit na mukhang alam naman nila ang sagot. Never pa akong sumama sa mga college classmates ko. Nagtatrabaho na kasi ako, hindi kagaya noong dating high school pa lang ako. Nakakasama pa ako basta walang gastos. Kapag sa bahay lang ng kaibigan ang punta. Pero ngayong may part time job na ako ay siyempre, hindi na ako maaring sumama. Mukha namang nasanay na sila roon. Sa araw-araw ba naman nilang pagsubok na isama ako na hindi sila nakakakuha ng sagot na oo, e. Naglalakad na ako sa hallway ng school palabas, nang mapadaan ako sa isang paliko kung nasaan ang library. Hindi ko mapigilang mapaisip kung nandoon pa si Marquez hanggang ngayon. Pero kaagad ko lang na muling ipiniling ang ulo ko at tumalikod sa gawi na iyon. Kanina tinatanong niya ako kumg saan niya ako puwedeng makita ulit. May posibilidad na dahil lang gusto niya sa akin ulit magpasalamat, o baka isa siya sa mga lalaking interesado sa akin? Kung ganoon nga ay siguradong isa na rin siya sa mga lalaking iiwasan ko para tantanan ako. Wala sa isip ko ang pagpasok sa isang relasyon. Una sa prayoridad ko ang pag-aaral ko, ang trabaho, pamilya. Wala sa listahan ko ang relasyon o love, kaya pasensyahan na lang. Nasa labas na ako ng school nang may tumawag sa pangalan ko. Hinanap ko iyon sa gitna ng maraming estudyate na nagsisiuwian na rin. Oras na ng uwian ng mga high school at ng ilang kurso sa college, kaya naman marami nang tao na kasabayan ko. Sa isang banda ay nakita ko ang matangkad na lalaking kumakaway sa akin. Si Marquez. Nakangiti siya sa akin, at mas lumawak iyon nang makita niyang nakita ko na rin siya. Inayos ko ang hawak ko sa bodybag ko at tumalikod na sa gawi niya. Kagaya ng sinabi ko kanina, wala akong balak na pumatol sa mga lalaking interesado sa akin. Kung isa siya roon ay mabuti nang ngayon pa lang ay iwasan ko na. Nilangoy ko ang dagat ng estudamte hanggang sa makalagpas ako roon at makarating sa may sakayan. May mga estudyante pa rin doon, pero at least hindi na magulo ang pila. "Lallaine, wait!" Nagulat ako at napalingon sa likod ko nang marinig ko na naman ang boses ni Marquez. Ngumiti siya sa akin nang lingunin ko siya at biglang nawala ang pagkahingal niya. "Bakit ka nagpapahabol?" reklamo niya na hindi naman tunog reklamo. Tinagiliran ko siya ng ulo. "E, bakit ka ba nanghahabol? Gusto mo bang isumbong ka namin kay Marco, hinahanap ka raw niya mula kanina," pananakot ko at sumulyap sa ilang estudyante na sumusulyap sa amin. 'Yong iba ay pasimple kaming tinitingnan. Maingay sa kalsada dahil sa mga nagdadaanang sasakyan, kaya naman alam kong hindi nila basta-basta maririnig ang pinag-uusapan namin kahit mukhang interesado sila. Mayabang siyang tumawa. "Okay lang. Quata lang na 'ko sa Lola ko kaya ayokong mapasama sa gulo ngayong araw, pero hindi naman ako takot sa kanila. Nasa labas na kami, so go ahead." Nagsalubong lang ang kilay ko. Malakas ang loob niya dahil naka-civilian siya. Isang hubad lang ng ID niya (na mukhang wala pa rin kagaya ko) ay para na ulit siyang hindi estudyante rito, wala na sa kaniyang pakialam ang school. Umikot na lang na ako patalikod sa kaniya at sumama sa pila sa jeep. Pumunta siya sa may harapan ko kaya napatingin na naman ako sa kaniya. "'Wag ka nang sumakay diyan. Hatid na lang kita," aniya saka nagtaas baba ng dalawang kilay sa akin na para bang napakaganda ng idea na naisip niya. "May motor ako, tara para makalibre ka sa pamasahe." Sinabit ko ang buhok kong kumakawala sa pagkakapusod ng buhok ko at tiningnan siyang maigi. "Marquez, kung nandito ka para bumawi sa akin dahil sa ginawa ko kanina, hindi na kailangan. Ayoko rin naman tanggapin ang pasasalamat mo kung deep inside ay magsisisi akong kinampihan kita kanina." Nawala ang ngiti niya at bahagyang nagsalubong ang kilay niya. "Nagsisisi? Anong ibig mong sabihin?" Humalukipkip ako. "Pagkalabas ko ng library ay nalaman ko ang nangyari, at masasabi kong deserve mo naman pala 'yang pasa sa labi mo." "What?" aniya sa halos manliit na boses at mga mata habang hindi makapaniwala ang tingin sa akin. "Naniniwala ka sa mga gago na 'yon?" Hindi ako nagsalita at tiningnan lang siya. To be honest, hindi ako nagsisisi na itinago ko siya. Siguro nga deserve niya 'yong suntok na nakuha niya, pero ang bugbugin siya na mukhang balak nila Marco? Hindi ako sigurado. Ganoon pa man ay iyon ang gusto kong maisip niya para tantanan niya na ako. "Lallaine, nananahimik ako tapos bigla nila akong iniskandalo, I don't deserve that." "Talaga? Kahit na paasa ka, cheater? Marquez, kahit sinong kapatid ay hindi mapapatawad ang nanakit sa kapatid nila. E, nagpaiyak ka ng babae, sa tingin mo hindi mo deserve 'yon? Bakit, sa tingin mo ba deserve ng babaeng pinaiyak mo ang masaktan?" Nakita kong nagdiin ang bagang niya. Tumingin siya sa mga nasa paligid namin, at doon ko lang naalala na nasa publiko nga pala kaming lugar. Nakagat ko ang labi ko nang makitang pinagtitinginan na kami, at mukhang sa kabila ng ingay sa kalsada ay mukhang narinig nila ang mga pinagsasabi ko. Gusto kong pukpukin ang ulo ko sa kagagahan ko. Bakit ko ba sinabi ang mga 'yon dito? Napatingin ako kay Marquez nang makita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-atras niya. Mula sa mga nasa paligid namin ay muli niya sa akin ibinalik ang tingin niya. Disappointed na ngumiti siya sa akin. "Akala ko kaya mo ako tinulungan kanina dahil hindi ka katulad nila, kagaya ka rin pala nila. Judgemental." Umawang lang ang labi ko para mag-sorry, pero tinalikuran niya na ako. Hindi ko na nabitiwan ang salita ko at pinanood na lang siyang naglalakad palayo sa akin. Shit! Ang tanga ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD