CHAPTER 7

1658 Words
So... Selene, Athena, and Seatiel Mendrez are here. Sir Shawn Mendrez' siblings are here. Nakatulala lang ako sa kanila habang nag-uusap sila rito sa may corridor ng criminology building. Dito kami dumaan ni Leila dahil may shortcut dito papuntang cafeteria. "Uh, excuse me po. Mauuna na po ako sa inyo, ha?" sambit ko at ngumiti sa kanilang tatlo. "Sige po, nice to meet you po Ate Selene and Athena," dugtong ko sa sinasabi at tatalikod na sana para maglakad paalis pero pinigilan ako ni ate Selene at Athena. "Wait!" magkasabay nilang sigaw. Lumingon ako ulit sa kanila at hinintay sila ulit na magsalita. "Do you have classes pa ba, Ate Nori?" tanong ni Athena, ang bunsong kapatid ni sir Shawn. "Uh, wala naman na. Bakit?" Isang class lang naman kasi ang mayroon ako ngayon. Kakain muna sana ako ng lunch dito sa school tapos ay uuwi na rin. Kaso nga lang, parang hindi 'ata matutuloy ang plano ko dahil ayaw akong pakawalan ng mga kapatid ni sir Shawn. "Can you join us ni Ate Selene? Let's have a lunch date!" Athena said giddily. Nablangko ako sa sinabi ni Athena. Hindi ako kaagad nakasagot dahil nagdadalawang-isip ako kung sasama ba ako sa kanila. Nakabibigla naman kasi! Hindi ko i-n-expect na magkikita kami rito ng mga kapatid ni sir Shawn! At isa pa, alam kaya ni sir Shawn na nandito sila? "Ah, eh -" Sinubukan kong sabihin na hindi ako makasasama sa kanila. "No buts!" Putol ni ate Selene sa sinasabi ko. "Sama ka na lang sa amin. And you." Itinuro ni ate Selene si Seatiel. "Bawal kang sumama sa'min. Restricted for girls only. We're going to have a girls talk," dugtong pa niya sa sinasabi. "Hah! Hindi naman talaga ako sasama sa inyo 'no! I have unfinished bussiness to do. Hahanapin ko pa 'yung babaeng natapunan ako ng frappe kahapon sa restaurant." "Si Margarette?" tanong ko. 'Yun lang naman 'yung nakatapon sa kanya ng frappe kahapon,eh. "Ah, so her name is Margarette." Napatango-tango naman si Seatiel. "Sige, I got to go! Bye!" Tumakbo na si Seatiel paalis. Hala, dapat yata ay hindi ko sinabi ang pangalan ni Marga! Ano kaya ang gagawin ni Seatiel? Sana ay hindi sila mag-away ng kaibigan ko. Nawala na sa isip ko sina Marga at Seatiel nang i-cling ni Athena ang mga daliri niya sa aking braso. Nanlaki ang mga mata ko at medyo umatras dahil nagulat ako sa ginawa niya. Hindi pa naman kami close sa isa't-isa! "So, tara na?" Excited na sabi ni Athena. "Let's go!" si ate Selene naman iyon. Bumuntonghininga ako, I have no choice. Sasama na lang ako, since hinila na nila ang mga kamay ko. Lumabas na kami ng university, nag-text na lang ako kina Margarette at Leila na kasama ko ang mga kapatid ni Sir Shawn. To: Leila & Margarette Lei, Marga! 'Wag niyo na 'kong hanapin. Kasama ko sina Ate Selene at Athena. 'Yung twin sister ni sir Shawn at 'yung youngest sister niya. "Inori? Where do you wanna eat?" tanong sa akin ni ate Selene. Nandito na kami sa loob ng kotse niya, at i-ni-i-start niya na 'yung engine. "Uh, kayo na pong bahala," sagot ko kay ate dahil nakahihiya naman kung mag-de-demand pa ako ng restauran na kakainan namin, 'di ba? "Eh, Ate Selene? Kung mag-drive thru na lang kaya tayo? Let's go to Kuya's place!" Humagikgik si Athena. "Hm. Oo nga, ano? Sige, let's drive thru na lang." Tumahimik na ang loob ng kotse. Nag-drive thru nga kami sa dalawang fastfood chain. Akala ko sa restaurant sila bibili tapos magpa-ta-take out na lang nila pero hindi pala. Kahit mayaman sila, kumakain pa rin sila sa fastfood chains. Tumigil kami sa tapat ng isang thirthy-storey condominium building. Dito siguro 'yung condo ng kuya ni Athena. Pero wait... Sino bang kuya 'yon? "Uh, sino po palang may condo rito?" tanong ko sa kanilang dalawa. Nandito na kami sa loob ng elevator. Pinipindot ni ate 'yung button no. 18 nang magsalita siya. Si Athena kasi ay busy sa cellphone. "Shawn's condo." Ah. So kay sir Shaw --- WHAT? Kanino raw?! "K-kay Sir S-shawn po?" tanong ko ulit para makasiguradong hindi ako nabibingi. "Yup." Oh. My. God. Nandito kami sa condo ni sir! Oh my God lang! Tumahimik na lang ako sa tabi at tinignan ko 'yung cellphone ko dahil baka nag-text na sina Leila at Margarette. Tama nga ako, may text nga! From: Leila Shin ♥ Oh? They didn't leave you yet, eh? From: Margarette Castilliano ♥ Oh my god girl! Level-up! Yiiii, pero wait. Sa'n naman kayo pupunta? Wala na si Leila rito. Kasama na naman si Bryan. Napangisi ako. Super close na pala nina Leila at Bryan, ano? Nag-type na ako ng i-re-reply. To: Leila and Margarette Nandito kami sa condo ni sir Shawn. Oy, Leila! Level-up din kayo ni Bryan, ah? Ayiii! "We're here!" Mabilis kong tinago ang cellphone ko dahil sa sinabi ni Athena at lumabas na kami ng elevator. Nasa pinakadulo pala 'yung condo ni sir at room 302 ang unit niya. May passcode ang unit ni sir Shawn. Buti, alam ni ate Selene 'yung passcode kaya hindi na kami nahirapan. Pumasok na kami sa loob at inilibot ko ang aking paningin sa loob ng condo. Pagpasok mo, sala agad ang makikita with matching flat tv screen na 32-inches tapos sa harap ng TV ay may mahabang sofa, at sa magkabilang gilid ng sofa ay may mga sofa pa. Mayroon ding center table sa gitna. Tapos, sa baba ng TV ay may lalagyanan ng mga compact disks & DVD. Kulay black and white ang pintura ng mga pader. Ang masasabi ko lang, ang manly ng dating ng unit ni sir Shawn! "Upo ka muna, Ate Inori." Pinaupo ako ni Athena sa sofa. Sila namang dalawa ay pumunta sa kusina kaya tinawagan ko na lang sina Leila at Marga. Bag ko pa man matawagan ang friends ko ay sila na ang tumawag sa akin. Kaagad ko namang sinagot iyon. "Hello?" "Inori! You're still with your sister-in-laws?" "Baliw ka Lei!" mahina kong saway sa kaniya at sumlip kung nasa kusina pa rin ba sina ate Selene at Athena. "Oo, I'm still with them. Nandito kami sa condo ni Sir Shawn." casual kong sagot. Oh, yeah! Kunwari hindi ako kinakabahan. Tama! Basta hindi ko iisipin na kinakabahan ako. "Oh my goodness! Meet the sisters na ba? Kanina mo pa sila kasama ah?" si Marga. Tumawa ako. "Hindi, ah! Pero ang bait nilang dalawa! Sana. Sana talaga sila na maging sis --" Natigil ako sa pagsasalita dahil lumabas si Athena sa kusina. "Oh sige na girls, One of Sir Shawn's sister is here! Bye-bye!" Binaba ko kaagad ang call at umayos nang upo. "Ate, 'di ba teacher mo si Kuya Shawn?" tanong ni Athena sa akin pagka-upo niya sa kabilang dulo ng sofa. "Ah. O-Oo. Teacher ko siya sa Social Psychology. Bakit mo natanong?" "Nothing. It's just that..." Kumunot ang noo ko. "It's just that?" "It's just that na, you were not close with each other kasi. Saka... f*******n ang teacher and student relationship, 'di ba?" Natahimik ako. Oo, alam ko rin na f*******n ang teacher-student relationship pero ano'ng magagawa ko? "Ah, eh kasi, first week pa lang naman kasi ng school. Kaya siguro hindi kami close. Hindi ko rin alam kung bakit si Sir Shawn ang in-arrange sa akin," sagot ko kay Athena. Pero kahit naman siguro patapos na ang school year, baka hindi pa rin kami magin close sa isa't-isa. Tumango-tango naman si Athena. "Oh, by the way, Ate Inori, what's your course nga pala?" "Psychology ang kinuha ko.” Ngumiti ako kay Athena pagkatapos ko iyong sabihin. "Wow! Nice, Ate. Ah! Parehas kayo ng course ni Ate Selene at Kuya Shawn no'ng nag-aaral pa sila. Balita ko rin, crush mo na si Kuya Shawn since first year ah?" Kumunot ang noo ko. 'Di ba nasa course ko ang pinaguusapan? Paanong napunta na roon sa crush? "Ah, eh --" "Sus, Ate Inori! Don't deny it na! I know you like - love Kuya Shawn." "Eh? Love agad? Ultimate crush ko lang siya hanggang ngayon 'no," sagot ko naman at umiling "But why are you so defensive, Ate?" sambit niya at tumawa. Defensive? Hindi naman, ah. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. "H-hindi no! Crush ko lang talaga --" biglang sumulpot si ate Selene kaya napatigil ako sa pagsasalita. "Let's eat guys! I made carbonara for us!" Inilapag ni ate Selene 'yung pinggan sa center table. "I heard you're taking up psychology course?" tanong ni ate Selene sa akin. "Yes po, Ate." Ngumiti ako. Tumango-tango si ate bago sumubo ng carbonara. "By the way, let's watch a movie? What movie do you want Inori?" tanong sa akin ni ate Selene. "Twilight series po." I love the protagonists of this series! Na-set-up kaagad ni ate Selene 'yung DVD. Ilang beses ko nang napanood 'to pero adik pa rin ako sa series. Nasa kalagitnaan na kami ng panonood nang makaramdam ako na kailangan kong mag-cr. "Athena, saan 'yung cr dito?" bulong ko kay Athena dahil busy si ate Selene sa panonood, baka makaistorbo ako. "Turn left ka lang, Ate," sabi sa 'kin ni Athena kahit nakatingin sa TV. Sinunod ko 'yung direksyon na sinabi niya. Pumasok ako ng cr para umihi dahil ihing-ihi na talaga ko kanina pa. "What are you doing here, Ate Selene and Athena?" Lalabas na sana ako nang marinig kong may ibang boses na nagsalita, at boses lalaki pa iyon. Kung hindi ako nagkakamali, boses iyon ni sir Shawn! Agad na nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang kabog ng aking dibdib. "Hi Kuya!" "Twin brother! You want some carbonara? Nandoon sa kitchen, tapos may dala rin kaming fast food." Kinakabahan ako nang binuksan ko na 'yung pinto ng cr pero mas lalo pa akong kinabahan at naestatwa rin ako sa kinatatayuan ko. Nandito si sir Shawn sa harapan ko. Nakatayo lang din at mukhang gulat na gulat dahil nandito ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD