Isaac Vasquez Araw-araw siyang tumatawag kay Nathalie, ni hindi niya nakakalimutang i-update ang asawa. Gusto niyang puntahan at bisitahin ito ngunit hindi pa pwede, marami pa siyang dapat asikasuhin lalo na't malaking tao pala ang kakalabanin nila. "How are you, my wife?" tanong niya sa asawa. "I miss you so much," dagdag pa niya. Rinig ni Isaac ang pagtawa ng mahina ni Nathalie halata mong kinikilig ito. "I miss you too, Baby. Kailan ka ba pupunta rito? Miss na miss ka namin ng anak mo," sagot ni Isaac. Nakaramdam siya ng pagkalungkot dahil sa sinabi ng babae. Hindi niya alam kung ano nga ba ang sasabihin dito dahil hindi naman niya alam kung kailan ba ang balik niya. Marami pa siyang dapat na asikasuhin, gusto niyang mainis sa sarili dahil marami siyang responsabilidad na dapat g

