Nathalie Grace Sarmiento Hindi man aminin ni Nathalie, araw-araw siyang na nababahala sa sinabi ni Nicolai sa kan'ya. May tiwala siya kay Isaac ngunit hindi pa rin niya maiwasang isipin ang sinabi sa kan'ya ng babae. "Buntis ako at si Isaac ang ama." 'Yan ang patuloy na umiikot sa isipan niya. Halos araw-araw ay sumasagi ang sinabi ni Nicolai sa isipan niya at hindi niya iyon mapigilan. "Sobrang lalim naman ata ng iniisip mo, Nathalie." Napalingon siya kay Sabel na tumabi sa kan'yang umupo sa sofa. "W-Wala may iniisip lang ako," sagot niya saka nag-iwas ng tingin. "Ano naman iyon? Care to share?" Umiling siya at napangiti na lang subalit hindi iyon bumenta kay Sabel. "Hindi ako nagtatanggap ng wala lang, alam kong may iniisip ka't problema. Kilala kita, Nathalie, ano nga iyon?"

