“Kasal pa tayo, Nathalie!” paulit-ulit na rumehistro iyang mga kataga sa isipan ni Nathalie. Hindi niya alam ang sasabihin niya sa lalaking kaharap niya ngayon. Kasal sila? Paano nangyari iyon? Hindi ba’t pinirmahan na niya ang annulment paper matapos silang ikasal? Iyong papel na ibinigay sa kan’ya noon ni Isaac, hindi ba’t annulment paper nila iyon? “Hindi ko ipinasa sa lawyer ko ang papel na pinirmahan mo. Yes, you signed it but I didn’t passed it in the court. Walang prosesong nangyari, iyong papel na iyon? Sinunog ko na kaya kasal pa tayong dalawa, legally…” “P-Paano? B-bakit hindi mo sinabi sa akin una pa lang?” tanong niya kay Isaac. Hindi niya alam kung ano nga ba ang i-re-react niya gayong hindi pa naman pala sila hiwalay legally ng lalaki. So, may karapatan pa ito sa kan’ya l

