Nathalie Grace Sarmiento Birthday ng kambal at nagkakasayahan ang lahat, kakaunti lamang ang bisita dahil kunti lang naman ang inimbitahan ni Nathalie, mga empleyado sa botique niya pati na rin ang iba pang mga kaibigan niya. Nag-text din siya kay Sabel kung kailan magsisimula ang program ng kaarawan ng kambal ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Napahinga si Nathalie ng malalim dahil doon, hindi niya alam kung pupunta ba si Sabel o hindi. Ilang araw na kasi ang nakalipas at hindi man lang ito nagpaparamdam matapos ang sagutan nila. “Nathalie, hinahanap ka ng kambal nariyan na raw ang Ninang Sabel nila,” sabi ng isa niyang kaibigan na si Rossa kasama nito ang asawa nitong si Romano. “Salamat, Rossa. Salamat din at napaunlakan niyo ang imbitasyon ko sa birthday ng kambal lalo

