Nicolai Lopez Labis na natakot si Nicolai nang maghinala sa kan’ya si Isaac. Malakas ang t***k ng puso niya nang marinig sa bibig nito na baka may kinalaman siya sa nangyaring trahedya sa kanila ni Nathalie. Agad niyang kinontak ang numero ni Isagani ngunit hindi man lang ito sumasagot, ilang taon na nga ba? Halos limang taon na itong walang paramdaman sa kan’ya. Ni hindi man lang nga nito kinakamusta siya’t maging ang anak nila. Simula noong nagtagumpay sila sa plano nila, nalugi ang kompanya ni Isaac, napaalis niya sa Pilipinas si Nathalie at higit sa lahat naging mahirap si Isaac ay bigla na lamang itong nawala ng parang bula. Bigla itong umalis at iniwan siya sa ere. Sa sobrang galit niya sa lalaki ay pati anak nila ay napagbubuhatan niya ng kamay. Ayaw niya ring mahalin ang bata d

