“What?? Nagkita kayong ni Isaac? Paano nangyari?” gulat na tanong ni Sabel sa kan’ya. Naroon sila sa apartment na pinagtutuluyan nila ng kambal. Wala pang isang araw ay nakahanap na sila dahil tinulongan siya ni Sabel maghanap. Ayaw sanang pumayag ni Luke na lilipat sila ngunit siya na ang nagpumilit sa lalaki. Ayaw niyang maisturbo si Luke lalo na’t busy rin ito sa negosyo, makukulit pa naman ang kambal lalo na itong si Isaiah na close sa kan’ya. Minsan ay pumupunta ito sa office ni Luke para lamang makipagkwentuhan sa lalaki. “Yes, siya iyong ama ni Ava na nakausap natin sa telepono. Hindi ko inaasahang magkikita pa kami, mabuti na nga lang at hindi ko na isinama ang kambal baka kasi makita niya ito at magkagulo. He’s different, Sabel. He’s poor now at nakakaawa siya, well deserve niya

