Sa isang maliit na park malapit sa bahay ni Isaac ang naisip na tagpuan niya. Roon na lamang sila dahil nagtitipid siya, ayaw na niyang bawasan ang limang libong natitira sa wallet niya. Umupo siya sementong upuan saka naghintay roon. Kanina pa siya hindi mapakali at panay ayos sa kan’yang buhok. Pinaghandaan niya ang pagkikita nila ni Nathalie, gusto niyang kahit papaano ay presente siya sa harap ng dating asawa. Ayaw naman niyang mapahiya sa babae. Sobrang na-e-excite siya, pinapanalangin niya na sana’y kasama nito ang kambal para naman makilala at makita niya ito ng malapitan. Limang taon ang nakalipas, natuto siya sa lahat ng bagay, akala niya noon ay sapat na ang kaalaman niya ngunit hindi pa pala. Marami siyang natutunan at naging mas mature siya ngayon kaysa noon. Akala niya’y

