“‘Dad, I won’t do this! Alam mo namang may mahal akong iba!” saad ni Isaac sa kaniyang lolo. Roon niya lang natitigan ang mukha ng lalaki. Sobrang pogi nito animo’y artistahin na nakikita niya sa mga Korean Novela. May pagkahawig siya sa kaniyang idolo na si Lee Min Ho. Bigla siyang kinilig dahil naalala niya kung paano ito kumindat o di kaya’y ngumiti sa sa pinapanuod niyang pelikula.
“Hindi ako papayag na makasal ka sa babaeng iyon! Sinaktan ka niya anak, nakakalimutan mo na bang sumama siya sa ibang lalaki?” tanong ng kaniyang ama kay Isaac.
“Hindi ako naniniwalang sumama siya sa iba Dad. Gawa-gawa mo lang ang kuwentong iyon dahil ayaw na ayaw mo siyang mapangasawa ko. Sinabi ko naman sa iyo na mahal na mahal ko siya!” inis na sambit nito sa kaniyang Lolo kaya nagulat ako dahil hinampas ni Lolo Vasquez ang mesa sa harap namin. Ngayon niya lang nakita kung gaano kabangis ang isang Vasquez nakakatakot pala.
“Tapos na tayong mag-usap, Isaac! Huwag na huwag kang aatras sa kasal, huwag mo akong pahiyain sa mga kaamigo ko. Hahayaan ko kayong dalawang makapag-usap, hija mauuna na ako.” Iyan lang ang sinabi ng kaniyang Lolo at umalis na. Napalunok siya ng madiin dahil sa sobrang kaba. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya tanging pagyuko lang ang ginawa niya.
“Saan ka ba napulot ni tanda? Binayaran ka ba niya para lang maging asawa ko? Puwes kaya kong doblehin ang ibibigay sa iyo ng ama ko, huwag ka lang sumipot sa kasal natin,” malamig na saad nito sa kaniya. Bigla siyang nagulat sa sinabi nito, nakaka-temp ang offer subalit may utang na loob siya sa matandang iyon. Kung hindi dahil sa lolo niya’y baka nawala na ang kaniyang ina sa piling niya.
“Hindi ko iyan magagawa. K-Kailangan kong ma-magpakasal sa iyo.,” utal-utal niyang saad sa binata.
“Damn it! Ano bang pinakain mo sa matandang iyon at nagustuhan ka niya? Saan ka ba niya nakita? Baka kung saan-saan ka lang nanggaling ah. Anong trabaho mo? Model?” tanong nito sa kaniya kaya napalingon siya rito. Bigla siyang nailang nang matingnan niya ang mga mata nito.
Oh my gosh! Ngayon lang siya nakakita ng lalaking may matang kulay berde.
“H-Hindi a-ako model,” saad niya sa lalaki at napayuko. Nahihiya siya dahil sa tingin na pinupukol nito sa kaniya. Tanging sa kaniya lang ito nakapokus kaya napakagat siya ng labi. Hindi niya alam kung bakit sobrang bilis ng pagtibok ng kaniyang dibdib. May sakit na ba siya sa puso? Iyan ang tanong sa kaniyang isipan.
“Eh, ano ka?” tanong ng lalaki at mas lumapit pa sa kaniya na para bang sinusuri siya nito mula ulo hanggang paa.
“Nagtitinda lang ako ng isda sa palengke,” saad niya sa lalaki.
“WHAT? ARE YOU EVEN SERIOUS? DUKHA KA?” tanong nito kaya bigla siyang na-offend.
“Oo, dukha, mahirap at isang kahig isang tuka ako! May problema ka ba roon?” naiinis niyang tanong sa lalaki.
“Oo! Kaya pala ayaw mong umatras sa kasal dahil gusto mong huthutan kami ng ama ko ‘no? Puwes hindi ka magtatagumpay, kayong mahihirap hanggang mahirap lang talaga kayo, huwag ka nang umasang magiging mayaman ka kapag naging asawa mo ako! I will never be your husband, you gold digger!” insultong sambit nito sa kaniya kaya napakuyom siya. Alam niya kung ano ang gold digger dahil minsan na niya narinig iyon sa mga telenobelang napapanuod niya sa T.V.
“Hindi ako gold digger!” inis na sigaw niya sa lalaki.
“Who are you to shout at me, b***h! Baka gusto mong ipapatay kita, hindi mo ako kilala,” malamig na sambit nito kaya napatikom siya ng bibig. Bigla siyang natakot sa kalagayan niya. Hinugot nito ang isang baril sa kaniyang pantalon at pinakita sa kaniya.
“Paano kung patayin na lang kita rito para wala nang kasalang magaganap?” tanong nito at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Bigla siyang nanginig at napapikit ng mariin.
“S-Sorry, h-hindi ko sinasadyang sigawan k-ka. H-Huwag mo akong patayin, parang awa mo na,” naiiyak na sambit niya sa lalaki. Bigla niyang naalala ang kaniyang nanay na nag-aalala, hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya’t bigla siyang lumuhod at napayakap sa hita ng lalaki.
“A-Ano bang ginagawa mo? Umalis ka nga riyan, damn it! May natatamaan ka! Umalis ka riyan!” sigaw nito sa kaniya ngunit hindi niya ito tinantanan.
“Pasensiya na po, huwag niyo po akong patayin! May sakit po ang nanay ko’t kailangan niya ako.” Umiiyak siya habang sinasabi niya iyon.
Naguguluhan naman ang lalaki sa sinabi ng babae at pilit na pumipiglas sa yakap nito. Natatamaan din ang nasa loob ng kaniyang pantalon kaya bigla siyang nakaramdam ng pagkabalisa. Kitang-kitang niya mapupulang labi nito habang umiiyak sa baba niya. Dahan-dahan niyang isinilid ang kaniyang baril at napapikit ng mariin. Nakaramdam siya ng hindi niya malamang senyasyon. Parang gustong makawala ng alaga niya’t isilid sa bunganga ng babae. Iyong mapupulang labi nito’y parang swak na swak sa alaga niya. Napalunok siya dahil sa naiisip niya. Napapamura na lamang siya dahil sa naiisip.
“Anong ginagawa niyo?”
Napalingon siya sa kaniya harapan pati na rin ang babae. Gulat na gulat ang mukha ng kaniyang ama at bigla itong napangisi.
“Mukhang wala na akong pro-problemahin pa. Sabi ko sa iyo, matitipuhan mo itong si Nathalie. Mabait iyan at masipag, huwag mo lang sasaktan! Isa pa, bakit kayo gumagawa ng kahalayan dito sa office ko? Hindi pa nga kayo kasal iyan na ang ginagawa niyo! Anak naman, maghunus-dili ka!” inis na sambit ng kaniyang ama kay Isaac kaya napatampal siya ng noo.
Mabilis niyang pinatayo ang babae at sinamaan ito ng tingin.
“Bakit kasi nakaluhod ka at sa harap ko pa! Damn it!”
Ramdam na ramdam niyang namumukol ang kaniyang pantalon dahil sa sensasyong nararamdaman niya. Kailangan niyang i-release iyon sa mga puta niya! Mabilis siyang umalis sa office ng matanda at iniwan ang babae. Pagbabayaran ng babaeng iyon ang ginagawa niya sa kaniya. Ngayon lang siya tinigisan sa haba ng panahon, kailangan pa ngang laruin ang kaniyang alaga para tumigas ito subalit doon sa babaeng iyon isang tingin at dampi lang ay sumasaludo na ang kaniyang sandata. That girl, hinding-hindi niya iyon magiging asawa no matter what happened!