Nathalie Grace Sarmiento "Sino iyong lalaking kasama mo?" bungad na tanong ni Isaac kay Nathalie ngunit hindi niya ito pinansin. Sobrang drain na drain na ang utak niya para sagutin pa ang asawa. Ayaw niya rin itong makita dahil iiyak lamang siya. "P-Pagod ako, Isaac. Nag-pa-check up ako kani-kanina lang," sagot niya at agad na umakyat ng hagdan, hindi pa rin siya tinatantanan ng lalaki dahil nakasunod pa rin ito sa kan’ya. Hanggang sa makapasok siya at nagbihis ng damit ay nasa likod niya lang ito. “Nagpa-check up ka? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Sana nasamahan kita,” alalang sabi nito ngunit napaikot siya ng mga mata. Gusto niyang sabihin na paano naman siya nito sasamahan, eh nakay Nicolai ito. Imbis na siya ang samahan ng lalaki ay sa kabit ito sumama? Nan

