Kabanata 56 Sonya Sarmiento Madaling maubos ang ibinigay na pera ni Nicolai kay Sonya. Isang daang libong piso ay hindi iyon sapat para sa kanila. Si Amy at Avy na malaki ang tuition fee sa eskwelahan, ang pang-araw-araw nilang pagkain at ang mga luho nila. Hindi-hindi sapat ang lahat ng iyon kaya ilang araw lang ay naubos na ito sa kanila. Ngayon ay nammroblema siya kung paano pagkasyahin ang limang libong pisong tira sa ibinigay na pera ni Nicolai sa kan’ya. Hindi pa niya ito nakokontak dahil binalaan siya nito na kokontak lamang kapag may improvement na sa pinapagawa nito sa kan’ya. Araw-araw ay dumadalaw naman siya sa apartment ng Ate Helen niya ngunit palagi siyang nabibigo na makita ito dahil sabi ng landlord ay hindi pa ito bumabalik doon. Ngayon ay wala siyang choice na buma

