Kabanata 21 “Anak, kumusta ka na? Ayos ka lang ba? Umuwi ka na kay Nanay, sige na,” pagmamakaawa ni Sonya sa kan’yang anak na si Nicolai. Ang tunay nitong pangalan ay Sabrina, pinalitan lamang noong nagkupkop sa kan’ya. “Bakit naman ako uuwi sa inyo? May sarili na rin akong pamilya, narito lamang ako para humingi sana sa iyo ng pabor,” wika ni Nicolai, wala itong ka-emo-emosyon habang tinititigan ang ina. Matagal na rin nitong kinalimutan ang masalimuot nitong buhay noon. Anak si Nicolai sa pagkadalaga ni Sonya. “A-Ano iyon, anak? Gagawin ko ang lahat makabawi lamang sa’yo,” naiiyak na sagot ni Sonya, tila ba nawala ang kalasingan ng matanda nang makita ang anak niya. Ilang taon na rin niyang pinaghahanap ito subalit nabigo siya. “Talagang kailangan mong bumawi sa akin, hinding-hind

