“Handa ka na ba, Nathalie?” tanong ni Katrina sa kan’ya. Kinakabahan siyang tumango, nananalangin siyang sana hindi sila mahuli ni Isaac o hindi kaya ang mga guard sa mansion. Mahigpit ang seguridad ng mansion kaya lahat ng kasulok-sulokan nito ay may nakabantay. Hindi niya alam kung paano siya tutulongan ni Katrina ngunit may tiwala naman siya babae. “Kung gano’n, halika na. Binilhan ko ng pagkain ang mga guards kaya busy sila roon, hindi nila tayo mapapansin. Hindi na kita masasamahan sa labas dahil babantayan ko pa ang mga guards para hindi ka nila mahuli. Ako na ang bahala sa kanila basta’t dire-diretso ka lang, huwag kang magpapahalata at higit sa lahat huwag na huwag kang lilingon pa, naiintindihan mo? Tawagan mo ako kapag nakaalis ka ng ligtas, mag-iingat ka, Nathalie.” Naiiyak si

