“Kumusta ang pinapagawa ko sa’yo? Lumayas na ba ang hitad na iyon sa mansion?" tanong ni Nicolai sa kabilang linya. Kahapon niya pa hinihintay ang balita ngunit ngayon lamang ito tumawag sa kan'ya. Inis na inis siya. "I already did what you told me, Babe. Kaso nakatimbre ang mga tauhan ni Isaac kaya nahuli si Nathalie. Maayos kong naigawa ang plano mo pero bakit umuwi agad si Isaac? Hindi ba't three days kayo diyan sa resort para mag-celebrate?" Nicolai heard the other line snorted. "Umalis si Isaac ng walang paalam, damn it! Hindi ko naman alam na umuwi na siya riyan! Akala ko ay may inasikaso lang, f**k! So, iniwan niya ako rito? Tangina, humanda siya sa akin!" galit na galit na sigaw ni Nicolai. Lahat ng gamit doon ay pinaghahagis niya kung saan. Hindi siya makapaniwala na iniwan si

