Kabanata 19 Nagising si Isaac sa mahimbing na tulog, napaunat-unat siya ng katawan saka niyakap ang katabi ngunit napalumat siya nang wala siyang mahagilap na katawan sa kamang pinaghihigaan niya. Napamulat siya agad saka napabalikwas. “s**t!” mura niya nang mapagtantong wala ang asawa niya sa tabi niya. Iniwan na kaya siya nito? Mabilis siyang nagbihis at bumaba para hanapin ang asawa. Malakas ang t***k ng kan’yang puso dahil sa sobrang kaba. Paano nga kung totoo ang nasa isip niya? Napabuntong hininga si Isaac nang makita isang pigura sa kusina. Gumuhit ang ngiti sa kan’yang labi nang makita si Nathalie na sumasayaw at kumakanta habang naghahanda sa kusina. Good mood ang dalaga at alam niya kung bakit. Sobrang saya niya habang pinapanuod ang babae. Hanggang ngayon ay malakas pa rin a

