*** [Kai's POV] Napuno ng mga tao ang buong grandstand. Wala akong ibang naririnig kundi sigawan at tilian ng mga manonood. Nagsimula na ang race. Kabado na kaming lahat dahil nagsisimula na rin ang tensyon sa pagitan ng mga manlalaro. Parehong magagaling na racer ang nakilahok mula sa iba't ibang bansa. Hindi ko mapigilang mag-aalala dahil sa kanilang lahat, si Shunjiro ang pinakabunso at ang pinakabagong manlalaro na sumikat sa larangan ng racing. Magaling siya pero nangangalahati pa lamang siya sa karanasan ng mga kalaban niya. Nabaling ang atensyon ko sa likuran nang magsimulang magsigawan ang mga fans ni Shunjiro. "Black and yellow!" Paulit-ulit nilang isinisigaw ang codename ng pinsan ko. Nakasuot pa ang mga ito ng itim at dilaw na sweaters. Lalong umugong ang paghiyaw ng m

