"Ano'ng sabi mo?" kunot ang noo na tanong ni Renzi kay Shun. "You left Dimples inside the car?" "Mm!" namumungay ang mga matang sagot naman ng pinsan ko sabay tango. "Sa pinakadulo ng Mount Takao! Naaawa nga ako, eh." Psh! Shunjiro! I want to slap his mouth. Ang daldal niya lalo kapag nalasing! Renzi suddenly stood up at nagulat kaming magkakaibigan nang bigla niyang hatakin ang kwelyo ni Shun. "What were you thinking?!" "Hey!" sigaw ko naman sabay tayo at tinulak si Renzi palayo sa pinsan ko. Napaatras siya pero nanatiling nakatutok ang matalim niyang tingin kay Shun. Inis namang tumayo ang madaldal kong pinsan na namumula ang mukhang humarap sa kaniya. Nawala bigla ang hilo nito. "Darn it, Renz! It wasn't my idea! Sinunod ko lang ang inutos sa akin ni Kai!" Nasapo ko ang s

