Chapter 5: Meeting

2190 Words
“Hey, love. Are you listening?” naramdaman ko ang pagpatong ng malaking kamay ni Rio sa kamay ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya at nag-iwas din agad. “Oh sorry, what were you saying?” I asked, pulling my hand. Hinawakan ko ang utensils ko at sinimulang galawin ang pagkain na kanina pa nakalapag sa table. I’m currently at his condo, in-invite niya akong mag-lunch at sinundo niya pa ako dahil galing akong Printovia kaninang umaga. Gusto niya kasing nakakapag-lunch, breakfast or dinner kami together at least twice or thrice a week. “I’m asking you if you have a schedule tomorrow. My parents wants you to come over for my sister’s birthday, hapon pa naman ‘yon.” “May lunch meeting kami with Viking press about the collaboration, mukhang aabot naman ako. I guess?” ngumiti siya ng tipid at nag-umpisa na ring kumain. My mind’s all over the place, bakit kasi sa dami ng pwedeng isalang ng Viking press si Quatro pa? Idagdag pa iyong cheating incident na nadiskubre ko last week. To be honest, I want to break up with Rioㅡbut it’s easier said than done, my parents were already attached to him. Gano’n din ang parents niya sa akin.. Three months pa lang noong maging kami but they’re already looking forward to our marriage. As if namang aabot kami sa point na iyon matapos nang nadiskubre ko. Kung hindi lang siya cheaterㅡmay possibility na siya na talaga ang makakasama ko hanggang dulo, may possibility na pakasalan ko nga siya but after I caught him cheating? Hindi ko na makita o ma-imagine man lang ang future ko sa kanya. Lahat ng pag-asa ko na siya na ang tamang lalake para sa akin ay tila naglaho na parang bula. “Susunduin kita bukas, okay? Don’t forget to message me.” tumango lang ako sa sinabi niya dahil wala ako sa mood makipag-usap sa kanya. Kaya kong makipagplastikan sa kanya, kaya kong magbulag-bulagan but that doesn’t mean that he can make a fool out of me. Muntik ko nang ibigay ang lahat ng tiwala ko sa kanya, mabuti na lang at hangga’t maaga ay nadiskubre ko ang toto niyang pagkatao. Hahanap lang ako ng tamang tiyempo at makikipaghiwalay rin ako sa kanya. “I’ve been meaning to ask this.” sabi ko nang hindi siya tinitignan, “Hickey ba ‘yang nasa leeg mo?” Nag-angat ako ng tingin para makita ang reaksyon niya. I almost laugh but I restained myself, hawak niya kanyang leeg sa bandang kanan. Nakatingin siya sa akin with wide eyes and... He’s sweating bullets. Noong una ay pinipigilan ko pa ang tawa ko but then I realized na alam niya kung saan banda ang tatakpan na para bang hinalikan talaga siya sa parteng iyon. Tila nag-backfire ang prank ko na ‘yon sa akin at may kung anong kumirot sa loob-loob ko. So ganoon na ang relasyon niya sa babaeng iyon? “Come on, love! I’m just kidding.” tumawa ako nang pilit pero mukhang hindi iyon nakakatuwa para sa kanya kaya isinubo ko na lang ang hiniwa kong steak. “Stop joking like that, Tam.” tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain kahit na sa totoo lang ay kating-kati na akong tanungin siya kung nagloloko ba siyaㅡbut I’m sure na hindi siya magsasabi ng totoo dahil sino ba namang tangang lalake ang aamin na nagloloko siya? I mean, iyong iba nga. Huling-huli na with evidence pero nagagawa pa ring i-deny. “Tinitignan ko lang naman reaksyon mo, baka mamaya kasi n’yan. Naglokoko ka na pala ng hindi ko alam.” nagkibit ako ng balikat. “You know how much I love you, right?” tanong niya nang kunin niya ang kamay ko at hawakan iyon habang nakapatong sa lamesa. Pinaglaruan niya pa iyon habang nakatingin sa akin ng diretso. “I won’t cheat.” marahan niyang hinalikan ang likod ng palad ko at ngumiti naman ako ng pilit. “I know.” iyon na lamang ang tanging nasabi ko bago kami mag-usap ng ibang topic. Pagtapos naming mag-lunch ay umuwi na rin ako sa apartment, nag-insist pa siyang ihatid ako but I refused him. Naiirita ako dahil ang galing niyang magsinungaling, kung hindi ko lang talaga siya nahuli. Maniniwala akong hindi siya magloloko pero hindi ganoon ang kaso. Gusto ko siyang komprontahin pero hindi ko magawa. Kahit papaano naman kasi ay may naging parte siya sa buhay ko. I mean, he’s the reason why I moved on from my heartbreak. I like Rio but I don’t love him yet, kahit paano ay nasaktan akong malaman na nag-cheat siya. Ewan ko ba kung bakit kahit masakit, parang hindi iyon naging ganoon ka-big deal sa akin. Dahil ba nandoon si Quatro noong araw na iyon? O dahil kinukumbinsi ko lang ang sarili kong wala akong pakialam? I myself don’t even know the answer. Am I stupid? “Oh wow! Gising ka ngayon, ah? What happened?” tanong ko nang maabutang gising si Czelle at nakaupo sa couch na parang pagod na pagod. Usually kasi ay tulog na siya ng ganitong oras dahil umaga na ang uwi niya. “Nag-inuman kami ng mga ka-officemate ko kanina pag-uwi.” hinawakan niya ang ulo niya at minasahe iyon. “You’re drunk first thing in the morning? Come on, that’s bad for your health.” tumungo ako sa ref at kumuha ng tubig, “Did you eat lunch already? Uminom ka na ba ng gamot for headache?” “You sounded like my mom.” tumawa siya at umirap naman ako. “If I am your mom, I will scold you to death.” tinabihan ko siya sa couch at sinamahan siyang manuod ng Money heist doon. “Sunday pala bukas, off mo kinabukasan.” “Yeah, may date ako bukas at hindi ako uuwi...” “Oooh. May battle ka na naman?” tanong ko matapos uminom ng tubig, “Sana all.” “Kung makapagsalita ka, akala mo wala kang jowa. Don’t tell me wala pang nangyayari sa inyo?” naubo ako sa tanong niyang iyon kaya inilapag ko ang hawak na baso sa center table at nilingon siya. “Of course not! May nangyari na sa amin but... I don’t want to do it with him again ‘cause he’s cheating on me.” “WHAT?!” halos mag-echo ang boses niya sa buong apartment kaya medyo napalayo ako, sa bandang tainga ko pa talaga siya sumigaw na akala mo’y hindi kami magkatabi. Well, hindi ko naman siya masisisi, halos limang buwan din kasi akong niligawan ni Rio bago ko siya sinagot. “He’s cheating? ‘Yong Rio na ‘yon? Pero sabagay gwapo naman kasi. Halatang hindi one woman man ang gano’ng itsura.” pinatong niya ang parehong paa sa center table at ipinahinga ang ulo niya sa sandalan ng couch. Ginaya ko siya pero sa balikat niya ako sumandal. “Buti pa kayo ng boyfriend mo, going strong.” bumuntong hininga ako at napadiretso ng upo nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko mula sa bulsa ng suot kong highwaist jeans. “What the hell?” bulong ko nang makita ang pamilyar na number. Mukha lang akong tanga noong dinelete ko ang number ni Quatro, eh kabisado ko naman iyon. +639********** [How are u?] Iyon pa rin pala ang gamit niyang number? Siguro ay binlock niya ako noon kaya hindi ko na siya ma-contact, and now he’s messaging me like nothing happened? The audacity. Hindi na ako nag-abalang mag-reply sa message niya, may gana pa talaga siyang kumustahin ako? Is he stupid or what? “Katakot aura mo, be. Anong nangyari?” tanong ni Czelle na agad kong sinagot nang pag-iling. “Papasok na ko sa kwarto, tutulog muna ako.” paalam ko at tipid lang siyang tumango kaya pumasok na rin ako sa kwarto at pabagsak na nahiga sa kama. Kinabukasan, maaga pa lang ay naka-receieved na ako ng message galing kay Quatro. Gaya kahapon, hindi ako nag-reply kaya noong makarating ako sa restaurant kung saan magaganap ang meeting ay siya ang unang bumati sa akin. Mukhang alam na niyang ako ang makakasama niya sa collab dahil hindi man lang ito nagulat. “Hi, Tamara.” tumayo pa siya nang makalapit ako sa mesa kung saan naroon si Ms. Maria at.... Girlfriend niya? Waitㅡam I seeing things or what? “Uh, hello.” pilit akong ngumiti nang bumeso siya sa akin at tumingin sa girlfriend niya dahil tumayo rin ito para makipagkamay sa akin. “Nice to meet you, Tamara. I’m Trina, Quatro’s agent.” ngumiti ito at dahil doon ay lumabas ang dimples niya sa magkabilang gilid ng bibig. Ngayong mas malapit siya ay mas nakita ko kung gaano kainosente ang mukha niya. Parang hindi makabasag pinggan, she’s also tall and petite. “Oh, hi...” ngumiti na lamang ako ng pilit at bumitaw sa kamay niya para makayakap at makabeso ako kay Ms. Maria. Matapos noon ay naupo na rin ako kung saan nasa tapat namin si Quatro at Trina. What the hell? I didn’t see this coming. “Should we order first?” Tanong ni Ms. Maria at lahat naman kami ay um-agree kaya kinuha niya ang atensyon ng waiter. Nang ma-place na ang lahat ng order ay nagsimula na rin kaming mag-usap habang naghihintay sa pagkain. “So let’s talk about the royalties first.” Ani Ms. Maria at pinag-usapan na nga namin ang royalties, gaya noong sinabi niya sa meeting noon. Tig-50% ang makukuha namin ni Quatro, ganoon din ng both company. “Right, about the book cover? Okay lang po bang Viking press ang gumawa? But since it’s a collaboration, of course kasama pa rin sa book ang pangalan ng both company. You know, magaling po kasi mga graphic artist ng Viking press.” nakangiting sabi ni Trina bago sulyapan ng tingin si Ms. Maria para makita ang reaksyon nito. “Oh yeah, no problem. Basta galing sa Printovia ang magiging editor ng book, we have the best editors after all.” Hmm? Why do I feel like the air becomes heavy? They keep flashing fake smiles. Mabuti na lang at dumating na ang drinks, minsan ay nararamdaman ko pang sumusulyap sa akin si Quatro pero hindi ko iyon pinapansin. Every minute ko ring chine-check ko ang phone ko dahil sa mga messages ni Rio. “Uh Tamara, is it okay with you?” “Huh?” Tanong ko kay Trina nang ibaba ko ang phone ko sa mesa. “I’m asking if I can have your number? Para ma-discuss natin ‘yong manuscript over the phone.” tumaas ang parehong kilay ko dahil sa pagtataka. Nagkatinginan pa kami ni Ms. Maria at sabay nagkibit ng balikat. Bakit siya ang makikipag-usap sa akin, eh hindi naman siya ang ka-collab ko? Is she right in the head? “Uhm sorry, I don’t to mean to be rude but... That doesn’t make any sense? Actually... Quatro already have my number, mas mapapadali kung kami ang mag-uusap, don’t you think?” ngumiti ako ng matamis at sumulyap kay Quatro, parang gusto kong matawa nang makita ang gulat niyang ekspresyon kaya nag-iwas agad ako ng tingin. “Oh! Close ba kayo?” tanong ni Trina, hindi pinansin ang attitude ko. Imbis ay tumingin ito kay Quatro at hinawakan ito sa braso. “Hindi mo nabanggit sa ‘kin ang tungkol doon.” “Tamara and I were actually friends,” since when asshole? Umirap ako at napatingin kay Ms. Maria dahil nilapit niya sa akin ang mukha niya para bumulong. “I don’t like this Trina, she’s not supposed to be here. I mean, si Ms. Cyriel ang kausap ko about the collaboration.” tinignan ko si Quatro at Trina, nag-uusap pa rin sila kaya bumulong din ako kay Ms. Maria. “I don’t like her, too. She looks innocent but there’s something about her rubs me the wrong way.” “Well whatever, hihingiin ko na lang kay Quatro ang phone number mo.” ngumiti sa akin si Trina kaya ngumiti rin ako. “Suit yourself, Ms. Trina.” I fake a smile again before glancing outside, muntik ko nang maibuga ang iniinom kong lemonade nang makitang pumasok si Rio. Oh f**k! What is he doing here? Ang sabi ko ay sa labas na kami magkita, we’re not even done with the meeting. “Tamara, are you okay?” tanong ni Quatro kaya napatingin ako sa kanya. Tumango naman ako at ibinalik din ang tingin kay Rio, he’s going to approach us. Damn it! Is he doing this on purpose?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD