Chapter 4: Reminisce (4)

2174 Words
“Magwo-workout ka?” tanong ni Czelle pagkauwi nito. Halatang antok na antok dahil diretso siyang humiga sa couch at ginawang unan ang hita ko. Nakasuot kasi ako ng white sports bra at high waist sports shorts. “Yeah. Mukhang puyat ha?” biro ko at bumuntong hininga naman siya. “Antok na antok ako sa trabaho, grabe! Nakailang kape kaya ako.” reklamo pa niya nang hawakan ang laylayan ng buhok ko at paglaruan iyon habang nakatingin sa akin. “What’s wrong?” tanong niya nang bumuntong hininga ako. Halos hindi ako makatulog kakaisip dahil sa nangyari kagabi. I mean, I really did that with Quatro. Hindi naman ako lasing, I’m completely soberㅡbuong akala ko ay may mangyayari talaga sa amin, buti na lang at hindi iyon ang talagang intensyon ni Quatro, kahit paano ay nakontrol niya ang sarili but I kinda feel bad dahil ako lang ang nag-o****m. Ugh! Seriously, I can’t get it out of my head. Ramdam ko pa rin sa katawan ko ang bawat paghaplos niya sa akin. “Nothing, puyat lang din siguro ako.” isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng couch at pumikit ng marahan, para akong nahihilo na ewan. “Nga pala, may nakita akong pogi sa elevator kanina. Mukhang bago lang siya rito.” ani Czelle. “Really?” “Yap! But he’s weird. Sabay kaming lumabas ng elevator, akala ko pa nga ay rito siya sa floor na ‘to nakatira pero no’ng makita niyang pinipindot ko ‘yong passcode ng pinto, bigla siyang bumalik sa tapat ng elevator. Do you think he’s a stalker?” hindi ko alam kung bakit pero natawa ko. “No, baka may nakalimutan lang siya.” confident na sagot ko dahil sure akong si Quatro ang tinutukoy niya. Nabanggit niya kasi sa akin kahapon na susunduin niya ako at sabay na aakyat sa gym. Siguro ay hindi siya tumuloy dahil first time niyang makita ang roommate ko. “Siguro nga.” komento ni Czelle bago siya bumangon. Nagpaalam siyang maliligo muna nang sa gano’n ay makatulog siya ng mahimbing. Tumayo na rin naman ako at saktong nakatanggap ng message galing kay Quatro. [Nauna na ko sa gym, I saw your roommate kaya hindi ako tumuloy.] Napangiti ako dahil tama ang hinala ko. [Okay, paakyat na ako.] Kinuha ko na ang gamit ko sa bag at nagpaalam kay Czelle nang madaanan ko ang banyo. Pag-akyat na pag-akyat sa gym ay bumungad agad sa akin si Quatro, and as usualㅡhe’s not wearing a t-shirt. Dapat ay nasasanay na ako dahil tuwing mag-gym kami ay naghuhubad siya ng shirt at tanging naka-sweatpants lang but, hell! Hindi ko pa rin maiwasan ang mapalunok kapag nakikita kung gaano ka-attractive ang katawan niya. He’s so hot! “Hey come on now, don’t stare like that.” bulong niya, dahilan para mahawakan ko ang tainga ko. Kumindat pa siya sa akin noong dumiretso niya ng tayo kaya nagsalubong ang kilay ko. Ugh! I swear, he’s doing this on purpose. Akala ko ay magiging awkward kami after ng nangyari last night but it turns out na kabaligtaraan noon ang nangyayari ngayon. Mukhang mas lalo pa siyang naging naughty. “Ugh!” inirapan ko siya at saka tumungo malapit sa salamin at ibaba roon ang duffle bag ko. “Bakit nga pala hindi ka tumuloy? Nahiya ka sa roommate ko?” “No, ayoko lang makaistorbo. Mukhang kakauwi lang kasi niya galing trabaho.” aniya kaya napatango ako at nagsimulang mag-stretching. Mabuti na lang talaga at hindi siya tumuloy. “Let’s swim after this.” aya ni Quatro, dahilan para lingunin ko siya kahit nakikita ko naman ang repleksyon niya sa salamin. “Right! I almost forgot na may swimming pool sa taas. Buti pinaalala mo, good boy.” humarap ako sa kanya ng maayos at pabirong ginulo ang buhok niya but for some weird reason, bumalik sa alaala ko ang ginawa kong pagsabunot sa buhok niya kagabi. Pakiramdam ko tuloy ay namula ang pisngi ko kaya naman agad kong inalis ang kamay ko at nag-iwas ng tingin. “What’s wrong?” “May naalala lang.” tipid kong sabi, dahilan para maubo siya. Mukhang may ideya na siya kung ano ‘yon kaya nag-clear ako ng throat at napansin kung paano itong humawak sa batok na tila nahihiya. Bigla tuloy naging awkward sa pagitan namin. Ugh! Mabuti na lang at nag-vibrate yata ang phone sa bulsa niya dahil kinuha niya ‘yon. Hindi ko alam kung bakit pero biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. “Hey, are you okay?” nag-aalalang tanong ko nang tapikin ko ang gilid ng braso niya. Tinignan niya ako at agad na tumango bago itinago ang phone niya. He said he’s okay but it was obvious that he’s not, gusto ko pang magtanong ngunit pinili kong manahimik na lang. “Are you free tomorrow?” I mentally sigh a breathe of relief when he broke the silence. Tinignan ko siya at nakita kung paano siyang ngumiti. “Yeah. I’m free, why? You gonna ask me for a date?” biro ko pero mukhang iyon nga talaga ang intensyon niya. “I want to go somewhere with you.” tipid niyang sabi at tumango ako bilang pag-oo. “Seriously, what are we?” I mumbled, not wanting him to hear that stupid question. “May sinabi ka?” tanong niya at agad naman akong umiling. Alam kong narinig niya ako pero pinili niyang magbingi-bingihan. Hindi naman kami ganoon kalayo sa isa’t isa at isa pa, hindi maingay rito sa gym. “You’re just hearing things.” I fake a smile, “So? Saan tayo pupunta bukas? Anong oras tayo aalis?” “I’ll pick you up at 4:00 p.m.” Tumango ako at inumpisahan nang mag-work out. Mahaba rin ang napagkwentuhan namin noong araw na iyon. Mostly, about sa kung ano ang ginawa namin sa busy days namin. Hindi naman kasi kami nakapag-usap ng matino kagabi. The next day, saktong 4:00 p.m ay nasa pintuan ko na siya. Mabuti na lang at tulog si Czelle kaya hindi niya makikita si Quatro, issue na naman kasi iyon sa kanya kapag nakita niyang may sumusundo sa aking lalake, ma-imagine ko pa lang ang reaksyon niya ay kinikilabutan na ako. Tuwang-tuwa pa naman iyon kapag love life na ang pinag-uusapan. “You look beautiful.” he smiled when he saw my outfit for today’s date. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya nag-decide akong magsuot lang ng white floral dress at nude flat shoes. “You look... Hot.” hininaan ko pa ang huli kong sinabi dahil medyo nahiya ako, nakasuot kasi siya ng muscle tee. Naka tuck in ang harap noon sa itim niyang ripped jeans. Gucci pa ang belt niya at mukhang naka-contact lens siya dahil kulay brown ang mga mata niya at wala siyang suot na round glass. “You are beet red.” bahagya siyang natawa at umirap lang ako bago kami pumunta sa harap ng elevator at pindutin ang parking since naroon ang kotse niya, tuwing lalabas kami ay never kaming nag-commute. Gusto niya laging nagagamit ang Audi niya, mukhang nag-e-enjoy siya sa pag-drive noonㅡor maybe he just want to show off. “Are we going to MOA?” tanong ko nang mapansing pamilyar ang dinaraanan namin, ngumiti siya ng tipid kaya na-gets ko na. Nabanggit niya sa akin noon na gusto niyang ma-try sumakay sa ferris wheel habang may sunset, reference rin para sa novel niya. “Nahihirapan ako isulat ‘yong ending ng novel, I need more inspiration so... I want to watch the sunset with you.” seryoso niyang sabi kaya napalingon ako sa kanya. “Am I your inspiration?” biro ko. “You are.” mahina man ang pagkakasabi niya noon ay narinig ko pa rin kaya tumingin ako sa labas at itinago ang labi para maiwasan ang pagngiti, nagpapanggap na hindi narinig ang ibinulong niya. This is bad, I’m starting to fall in love with him. Nahuhulog na ako sa kanya, no scratch that. Gusto ko na siya pero ayokong mahulog ng sobrang lalim. Wala naman sigurong masama kung susugal ako ‘di ba? I mean, for the first time... Gusto kong magseryoso sa relasyon, I want him to be my first serious boyfriend with the intention of marriage of course. Is that weird? Sapat ba ang tatlong buwan para maramdaman iyon? “What a beautiful scenery.” I whispered when we reached the top of ferris wheel, huminto pa iyon dahil nagsasakay pa ng mga nakapila sa ibaba. “Quatrㅡ” Hindi ko naituloy ang pagtawag sa kanya dahil nang lumingon ako sa kanya ay nakapikit siya. Wait, don’t tell me... He’s afraid of heights? “A-are you okay? Do you want me toㅡ” “No, don’t move please.. s**t! I’m so lame.” tinakpan niya ang mukha niya gamit ang dalawang kamay kaya naman inabot ko iyon para tanggalin at makita kung anong ekspresyon mayroon siya ngayon. Nagtama ang paningin namin kaya ngumiti ko. “It’s okay. Hahawakan kita so... look outside. Kailangan mo ng reference, right?” tipid siyang tumango at lumingon sa labas. Gano’n din ang ginawa ko habang hawak ko pa rin ang dalawa niyang kamay at marahan iyong pinaglalaruan nang sa gano’n ay ma-distract siya kahit paano. Ang repleksyon ng araw ay kitang-kita sa tubig, ang mga tao sa ibaba ay para na lang langgam sa liit. Karamihan sa kanila ay pinapanuod din ang paglubog ng araw, may mga couple at ang iba ay mga magpapamilya na namamasyal. “My heart’s beating so fast.” ani Quatro kaya napalingon ako sa kanya at ngumiti ng tipid. “Dahil ba sa heights o dahil hawak mo ang kamay ko?” tanong niya nang lumingon siya sa akin at magtama ang paningin namin. At that exact moment, hindi ko napigilan ang nararamdaman. “I likㅡ” hindi ko naituloy ang balak na sabihin nang maramdaman kong humigpit ang hawak niya sa akin. Nagsimula na rin kasi ang paggalaw ng ferris wheel. Nakagat ko na lamang ang labi ko at tinuon ang tingin sa labas. Walang ibang maririnig na ingay kung hindi ang aircon sa loob ng sinasakyan namin. “Hey, Quatro.” tawag ko at lumingon naman siya sa akin. Tinaas niya ang parehong kilay na tila nag-aabang sa susunod ko pang sasabihin. “I want to kiss you.” seryosong sabi ko at halatang nabigla siya sa sinabi kong iyon kaya medyo natawa ako, hindi ko na rin hinintay na isipin niyang prank iyon kaya marahan akong tumayo at tumabi sa kanya. Binitawan ko ang isa niyang kamay para mahawakan ko ang pisngi niya. Everything went slow motion when he initiated the kiss, hindi gaya noong una at pangalawa. Mas passionate ang naging halik niya sa akinㅡHe slowly parted my lips and pushed his tongue into my mouth. I kissed him back pero hindi iyon nagtagal since malapit na naming marating ang ibaba. Tipid lang kaming ngumiti sa isa’t isa matapos ang halik na iyon. Ni isa ay walang balak na mag-confess ng totoong nararamdaman. Nang matapos ang ride namin sa ferris wheel ay nag-decide kaming maglakad-lakad muna since mahangin malapit sa seaside. After noon ay nag-dinner kami at umuwi na rin. “Good night.” nakangiting sabi ko nang marating namin ang pinto ng apartment ko. “Good night.” hinalikan niya ako sa pisngi kaya pumasok na rin ako sa loob ngunit nakasilip pa rin ako sa pinto dahil parang may gusto pa siyang sabihin. “What?” tanong ko nang makitang nakatingin lang siya sa akin, na para bang iyon na ang huli naming pagkikita kaya kinakabisado niya ang itsura ko. “Nothing.” he smiled, “Good bye.” Hindi ko alam kung bakit pero simula noong gabing iyon ay hindi na ako kinontak ni Quatro. Hindi na rin siya nagpakita sa akin, para bang lahat ng nangyari sa amin ay panaginip ko lang at hindi talaga siya nag-eexist. Ilang beses akong nag-send ng message at tumawag para kumustahin siya. I even went to his apartment pero ang sabi ay wala ng nagre-rent doon. Kinumbinsi ko na lang ang sarili ko na baka imagination ko lang lahat ng moments namin sa loob ng tatlong buwan. Sinubukan ko siyang alisin sa memorya koㅡbut the more I try to forget him, the more my mind drifts back to him. It’s so f*****g frustrating, bakit kung kailan gusto ko na, tsaka mawawala na parang bula? Mabuti na lang talaga at hindi ko itinuloy ang pag-confess noon dahil kung nagkataon? Nagmukha akong tanga. “f**k! Na-ghost ba ako?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD