“Hi.” iyon ang unang bungad sa akin ni Quatro nang pagbuksan ko siya ng pintuan. I am utterly lost for words, ang usapan namin ay 9:00 p.m but he’s one hour early. Tinignan ko ang hawak niyang itim na laptop bag at paper bag na sure akong pagkain ang laman. Ganitong-ganito rin ang scenario namin noong panahong close pa kami. He will show up in front of my door with his laptop and of course food. “Ang aga pa.” tanging nasabi ko na lamang. Nag-uumpisa na tuloy akong magsisi na pumayag akong dito kami gumawa ng outline para sa mga characters ng story. Ang hassle kasi kapag lagi kaming pupunta ng resto, nasa iisang apartment complex lang din naman kami kaya mas convenient kung magkasama kaming gagawa. Mas madali naming maaayos ang dapat ayusin. It’s been five days already since we last saw e

