“Seriously, why did you do that? Paano kung nakahalata si Rio na may kasama ako?” “Nakahalata ba siya?” sarcastic na tanong niya pa sa akin, dahilan para taasan ko siya ng kilay. What’s wrong with him? Siya na itong mali, siya pa may gana maging sarcastic. “Why are you acting like this?” tumayo ako mula sa pagkakaupo sa carpet at tumungo sa kusina para kumuha ng canned coffee. Imbis na bumalik sa living room ay sumandal na lang ako countertop habang umiinom. Ang dami na namang gumugulo sa isip ko, ayaw kong gawing big deal ang lahat ng nangyayari pero hindi ko mapigilan ang sarili. I wanted to ask him if he still have feelings for me but then I remembered that he never told me that he love or like me in the past. Tinanong ko siya noon kung ano kami ngunit mas pinili niyang magbingi-bing

