“Magkaka-anak na kayo, bakit nakikipagkita pa rin si Quatro sa ex niya? I saw them together yesterday, nasa mall.” tanong ni Anika matapos niyang ilapag ang tasa ng kape sa center table. Hindi agad ako sumagot dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin tanggap na kailangan niyang samahan si Trina, na kailangan niya ‘tong bantayan. Alam ko natakot at nakonsensya siya noong malaman na pinagtangkaang patayin ni Trina ang sarili niya dahil sa naging depressed ito matapos nilang maghiwalay at mawalan siya ng trabaho. To be honest? Nakaramdam din ako ng konsesya dahil isa ako sa mga dahilan kung bakit siya humantong sa gano’n. I amost p**e when I saw her photo. She’s in a bath full of bloods, and her wrist were full of cuts. She even took a picture of herself para ipakita iyon kay Quatro, saying n

