“How long are you going to keep this up?” tanong ni Rio nang hindi ko siya pansinin mula pa kanina. I don’t want to see him, I don’t want to see his face. Halos humapdi na ang labi ko kakapunas noon, mawala lang ang pakiramdam ng paghalik niya sa akin. “Look at me, Tamara.” hinawakan niya ang baba ko at pilit iyong iniharap sa kanya. “Don’t touch me! You’re taking this too far, Rio! Hiwalay na tayo, and I’m already engaged! Bakit ba ayaw mo pa akong pakawalan? Hindi kita mahㅡ” agad akong napahawak sa pisngi nang maramdaman ang hapdi ng pagsampal niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya habang nangingilid ang mga luha ko. He’s being violent again, I swearㅡkahit anong gawin at sabihin niya ngayon ay hindi na paniniwalaan. Hindi na siya magbabago, never siyang magbabago. I

