“Love.” bungad sa akin ni Rio nang makarating ako sa restaurant na napili namin para mag-usap. I don’t want to prolong our fight any longer. Ayokong magkaroon ng sabay-sabay na problema, nabawasan na nga kasi ang iniisip ko noong malaman ko ang totoo sa pang-ghost sa akin ni Quatroㅡngayon kay dad naman ako nagkaproblema. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako nauubusan ng iniisip. For f**k’s sake. I want some peace of mind, I need a break! Dahil kung hindi, baka maapektuhan na pati ang pagsusulat ko. Baka sa sobrang stress ay magka-writer’s block ako, and I don’t want that to happen. “Are you okay?” dagdag pa na tanong niya nang maupo ako sa harapan niya. “It’s swollen.” Hinawakan niya ang pisngi kung saan ako sinampal ni dad. Tipid akong ngumiti bago inalis ang kamay niya roon. Paanong hindi

