“Ms. Tamara, ready na raw po kayo?” tanong sa akin ng isang babaeng staff nang lumapit ito sa inuupuan ko. “Ah, yes.” sabi ko dahil tapos na akong ayusan. Hindi heavy ang pagkaka-make up sa akin, almost natural nga lang since photoshoot lang naman ito to promote our collaboration namin on social medias. Ikinulot lang din ng kaunti ang laylayan ng buhok ko at ang outfit ko ay simpleng white shirt lang at red na plaid palda-shorts. “Hey.” bati sa akin ni Quatro nang magkita kami sa kwarto kung saan gaganapin ang photoshoot. Kasalukuyan kami ngayong nasa magazine section ng Printovia. Dito na kasi naisipan gawin ang photoshoot dahil may studio naman dito unlike sa Viking press na wala. Lol! “Oh hi.” nakangiting bati ko and I swear, hindi pa rin ako nasasanay tuwing a-acting kami na para ba

