Nag-aayos na ako ng buhok nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Mabilis akong lumabas ng kwarto ngunit naunahan na ako ni Rio na pagbuksan ng pinto si Quatro. Ugh! “Hello.” iyon ang ibinungad sa amin ni Quatro matapos kong tumabi kay Rio. And of course, as usualㅡbukod sa dala niyang laptop bag ay mayroon ding pagkain. “Nag-abala ka pa.” sabi ko kahit namang expected ko na ‘yon but because Rio’s here, kailangan kong um-effort sa pag-acting na para bang first time niya na magdala ng pagkain. And to be honest, grabe ang kabang nararamdaman ko ngayon. “Tuloy ka.” “Pfft!” pilit pinigilan ni Quatro ang pagtawa kaya naman natitigan namin siya. Pinanlakihan ko pa siya ng mata dahil baka kung ano ang isipin ni Rio. “Why?” inosenteng tanong ko kahit na sa totoo lang ay gusto ko siyang suntuk

